^

Pang Movies

Anne tatlong buwan nang buntis!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anne tatlong buwan nang buntis!
Anne, Erwan

Biglang lobo ang tiyan

Congrats kay Anne Curtis dahil finally, buntis na siya sa panganay nila ni Erwan Heussaff.

Hindi pa sinasabi ni Anne kung ilang buwan na ang sanggol na ipinagbubuntis niya pero ang duda ng fans, three months preggy na siya.

Inamin kahapon ni Anne ang kanyang pregnancy sa pamamagitan ng isang inspiring music video na naka-post sa Instagram account niya.

Nang aminin ni Anne na buntis na siya, biglang lumaki ang tiyan niya sa paningin ng lahat na kadalasan na nangyayari.

Dahil buntis na si Anne, matitigil na ang mga pangungulit na tanong kung kailan sila magkakaroon ni Erwan ng anak dahil nangyari na ang pinakahihintay ng mga mahihilig sa showbiz gossip.

Pasabog na good news nina Anne at Sarah tinabunan ang mga negative issue!

Magkasunod ang mga big announcement nina Anne at Sarah Geronimo.

Nauna si Matteo Guidicelli na mag-reveal noong nakaraang Huwebes na engaged na sila ni Sarah.

After three days, si Anne naman ang nagpasabog ng good news na sumapaw sa nakakaloka na parking lot incident nina Ruru Madrid at Bianca Umali at ng walk out issue ni Morissette Amon sa isang concert.

Very positive ang mga balita tungkol sa Sarah-Matteo engagement at sa pagbubuntis ni Anne na mas pinapaboran ng publiko kesa sa never-ending story na bangayan ng Barretto sisters at ng ibang mga ka-cheapan na kontrobersya.

Mga pa-raffle at Christmas parties panahon na naman

Ang raffle draw sa mga presscon ang isa yata sa mga bagay na nagpapabalik sa mga showbiz writer sa kabataan nila.

Basta may raffle draw, tiyak na dadalo sa presscon ang mga invited writer.

Kahit maliit lang ang prizes, okey lang sa kanila basta nanalo sila, isang katuwaan na hindi mababayaran at matutumbasan ng pera.

Nakakatuwa ang inis at inggit na nararamdaman kuno ng mga reporter kapag hindi nabunot sa raffle draw ang kanilang mga pangalan.

Talagang nakakaaliw ang mga kantiyawan habang parang mga bata na hinihintay ng showbiz press na matawag ang pangalan nila bilang winner.

Malapit na ang Christmas parties at presscon. Sure ako na marami na naman ang mga raffle draw at kapag hindi ako nanalo, gagawa ako ng scam hahahaha.

Joke lang pero sana, lagi akong mag-win sa mga raffle draw kahit 1K dahil lucky daw kapag nanalo. Bongga!

Pa-party ni Alden inaabangan

Ang GMA-7 ang unang magdaraos ng Christmas party para sa entertainment press.

Nagpadala na sila ng imbitasyon para sa Christmas party na inaabangan ng entertainment writers dahil walang umuuwi na luhaan.

Type na type ng mga reporter ang annual Christmas party ng Kapuso Network dahil ramdam na ramdam nila ang pagpapahalaga sa kanila ng management.

Hindi kumpleto ang Pasko ng mga reporter kapag walang Christmas party ang GMA-7.

Siyempre, looking forward din ang entertainment press sa bonggang Christmas party ni Rhea Tan ng Beautéderm. Tulad ng GMA-7, kaabang-abang ang Christmas party for the press ni Rhea dahil masaya ang lahat.

Sa mga artista naman, nasanay na ang showbiz press sa yearly Christmas party ni Alden Richards. Bongga rin si Alden dahil tinitiyak niya na walang reporter na sad na uuwi. Bukod sa raffle prizes, may mga pa-loot bag si Alden para sa showbiz press na very supportive sa kanya.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ERWAN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with