^

Pang Movies

Matteo at Sarah, nasa edad na para pakasal

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Happy news na magpapakasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Happy dahil bagay na bagay ang dalawa at nasa tamang edad na para lumagay sa tahimik.

Love ko rin na naghintay sila nang matagal at talagang naging solid muna ang kanilang relasyon bago nila inisip na magpakasal.

So happy for Sarah na nananatili na  isang mabuting anak sa mga magulang niya at naging masunurin sa mga bagay na gusto ng kanyang ama at ina.

Very lucky si Matteo dahil ito ang pinili ni Sarah na makasama sa habang buhay. Excited ako sa wedding nila, beautiful couple indeed.Congratulations Sarah and Matteo.    

Tiyak na may blessings ng mga magulang ni Sarah ang hindi direktang announcement ni Matteo na engaged na sila.

I’m sure, hiningi muna ni Matteo ang permiso nina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Nakakatawa nga ang mga comment na isang “divine wedding” ang mangyayari dahil may pahintulot ni Mommy Divine ang pag-aasawa ng kanyang anak.

Marami talaga ang natuwa sa balita na handa nang lumagay sa tahimik sina Sarah at Matteo.

Rams madaling kausap

Isa si Rams David sa mga manager na madaling kausap at maalaga sa kanyang mga talent like Marian Rivera at Maine Mendoza.

Gusto ko rin ang ugali niya na mada­ling lapitan for help ng mga showbiz writer at totoong makisama sa mga ito kaya naman may tinatawag na Rams Squad tulad nila Rose, Jun and others.

Hindi biro ang maging manager lalo pa kung  top of the line ang mga star mo dahil sure na ngarag ka hindi lamang sa mga schedule kundi sa mga issue.

Mabuti na lang,nandiyan ang kanyang Rams Squad na laging  nakabantay para salagin ang fake news. Congrats Rams, at pa-raffle ka sa Christmas party mo ha!

Dantes Squad nabitin sa Bohol vacation

Ikinuwento ni Marian Rivera sa renewal ng contract niya sa Reverie by Beautederm Home na nag-enjoy ang pamilya nila sa kanilang recent Bohol vacation.

Narating na noon ni Marian ang Bohol pero ngayon lamang niya na-appreciate ang lugar dahil  magkakasama sila ni Dingdong Dantes at ng kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Bitin para kay Marian ang Bohol trip ng kanyang pamilya kaya pinaplano nila na bumalik dahil maraming lugar pa ang hindi nila napupuntahan.

Kung may nag-enjoy nang husto sa Bohol, ito ay si Zia na ginagaya ang itsura ng tarsier na nakita niya at hindi malimutan.

Ang bango nga pala ng mga bagong scent na made from natural oil para sa cute na diffuser ng Reverie by Beau­tederm Home.

Personal favorite ni Marian at ni Beautederm President/CEO na si Rhea Tan ang Into the Woods dahil ang bangu-bango nito.

Kapag type naman ni Marian na ma-relax ang kanyang pakiramdam, ang lavender oil ang inilalagay niya sa Reverie diffuser na present sa lahat ng sulok ng bahay nila ni Dingdong.

Aminado si Marian na maarte siya pagdating sa bahay. Gusto niya na mabangung-mabango at malinis na malinis ang tahanan nila para na rin sa kalusugan nina Zia at Ziggy kaya malaking tulong ang diffuser ng Reverie by Beautederm Home.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with