^

Pang Movies

Inday Barretto inaabangan kung kanino tetestigo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Inday Barretto inaabangan kung kanino tetestigo

Hindi naman mismong si Claudine Barretto, kung hindi ang dating abogado niya ang nagsabing nakahanda ang aktres kung ano man ang demandang isasampa laban sa kanya ng kapatid na si Marjorie Barretto. Maliwanag namang sinabi ng abogado, “lahat ay may karapatang magdemanda sa korte”.

Pero sa parte ni Claudine, parang hindi siya apektado sa banta ni Marjorie. Ang inilabas niya sa kanyang social media account ay mga picture kung saan kasama niya ang kanyang ate na si Gretchen, ang kanilang inang si Inday Barretto at iba pang kaibigan na nakasama nila for lunch. Kasama rin doon ang dating healing priest na si Fernando Suarez, na pinasalamatan pa nila “for your prayers”.

Wala ring lumalabas mula kay Inday Barretto na anumang denial na nagsasabing hindi siya ang nagbigay ng statement ng pagkadismaya sa nakita niyang video ni Marjorie at umaming siya nga ang “Inday” na tinutukoy at gustong sapakin. Dahil iyon ay isang social media post lamang at hindi naman isang sinumpaang pahayag, maaaring bawiin ni Inday Barretto ang nasabing statement, pero hindi niya ginawa. Ibig sabihin kung totoo man ang bintang na may ibang gumawa noon para sa kanya, maaaring ang gumawa ay kanyang pinahintulutan.

Kampihan na nga ngayon ang mangyayari. Sinasabi ni Majorie na kakampi niya ang lahat ng iba pa niyang mga kapatid, at sinasabi niyang kasinungalingan ang bintang sa kanya ni Claudine.

Tiyak namang mananatiling magkakampi sina Claudine at Gretchen.

Pero ang magiging turning point nga ng lahat nang iyan, kanino papanig si Inday Barretto? Kung ano ang sasabihin ng 82 na taong gulang na nanay nila, iyon ang mas magiging credible.

Sen. Bong babalik sa TV!

Usap-usapan ang posibleng pagbabalik diumano ni Senador Bong Revilla sa telebisyon. Matatandaang naging high rating noon ang kanyang sitcom na Idol Ko Si Kap, kung saan ginampanan niya ang role ng isang barangay captain, at ang tema ay ang mga kaguluhan sa kanilang barangay.

Pero kung kami lang ang tatanungin, naniniwala kaming mas magiging maganda para kay Senador Bong kung gumawa na lang siya ng isang pelikulang action. Una iyon naman talaga ang kanyang forte. Pangalawa, malaking tulong sa industriya kung mapapasigla niyang muli ang action genre.

Ikatlo, ang pelikula ay maaaring i-adjust sa kanyang schedule bilang senador, hindi kagaya ng TV na kailangan mong gawin sa oras dahil kung hindi wala kang maipapalabas na kasunod. Bukod doon, mas matindi na ang kumpetisyon sa telebisyon ngayon kaysa sa pelikula.

Gay matinee idol plantsado na ang date sa isang Korean matinee idol din!

Naku Salve, ito ang masasabi kong lost ka sa isang gay matinee idol. Narinig ko na guma­gawa raw ng paraan ang gay matinee idol para maka-date ang isang nagugustuhan niyang Korean matinee idol. Talo kayo, nagpunta lang kayo sa Korea at dumalaw sa set ng Korea novela, Si gay matinee idol makaka-date ang isang poging Korean star.

Nakakagulat ano, pero may contact daw na nangako sa kanya ng isang sure connection sa Korean matinee idol na gusto niyang maka-date.

Take mo iyon? (Grabe siya tito ha. Hahaha. - Salve)

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with