^

Pang Movies

Celebrities magpapatalbugan sa Halloween costumes

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Celebrities magpapatalbugan sa Halloween costumes
Raymond

Si Raymond Gutierrez ang organizer ng Opulence (Let Them Eat Cake) Halloween event sa The Tent at Solaire ngayong Thursday.

Strictly invitational only ang event na ‘yon na sinasabing “A Halloween party that Manila has never seen before!”

Sabi ni Raymond, maraming ABS-CBN at GMA 7 stars ang darating doon. Marami ring ibang celebrities na nag-confirm na ng kanilang attendance.

Kanya-kanyang pagawa ng costume ang mga imbitado sa Opulence.

Sabi ni Raymond, naisipan niyang gumawa ng sariling Halloween event nang um-attend siya sa isang Halloween party last year.

Promo pa lang ng Opulence ay ang bongga na, kaya nakaka-excite ‘yon.

Si Annabelle Rama nga, nagpa-rush ng kanyang costume sa event na ‘yon.

So, ano ang costume ni Bisaya? “Princess ‘Day ako!” sey niya.

Yes, Princess ‘Day as in Princess Inday of Cebu at hindi Princess Di as in Diana Spencer, huh!

Nanay ni Tito Boy kailangan ng dasal

Dapat pala ay aalis noong Saturday ang TV host na si Boy Abunda. Pa­punta sana sila sa New York, pero hindi na siya tumuloy dahil may sakit at nasa hospital ang nanay niya.

Kahapon ay tinext ko si Kuya Boy para sabihing ipinagdarasal ko ang speedy recovery ng kanyang nanay at kaagad naman siyang nag-text ng pasasalamat.

Mahal na mahal ni Kuya Boy ang kanyang nanay.

Ang nanay niya ang dahilan kung bakit itinatag ni Kuya Boy ang Make Your Nanay Proud civic organization.

Let’s all pray for Kuya Boy’s nanay para gumaling siya kaagad. (Prayers for Nanay Lesing. - Salve A.)

Teen stars noong 80s may relasyon uli

Totoo pala na nagkabalikan na ang dalawang teen stars of the 80’s.

Palagi silang tinutukso ng kanilang mga kaibigan, pero ayaw nilang maging open tungkol sa kanilang relasyon.

Bakit kaya?

Umiiwas sila na maintriga at baka mauwi na naman sa hiwalayan ang relasyon nila?

‘Yun na!

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with