^

Pang Movies

Zia kinakabog na sa kagandahan si Marian?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Zia kinakabog na sa kagandahan si Marian?!

Sa latest post ni Marian Rivera, ibinalita niyang na-sad daw ang kanyang anak na si Zia na hindi ito na­nalo ng Best Costume this time. Kalakip nito ang larawan ng kanyang panganay na anak na naka-Indonesian costume na marahil ay isa sa activities nito sa school.

Sa nasabing post ay binigyan ng encou­ragement and moral support ni Marian ang anak.

“My little miss Indonesia - Ate Z was a bit sad that she didn’t win best costume this time, sabi ko sa kanya na it’s okay, life is really like, minsan panalo minsan talo. You should still enjoy the process and be happy for others success.

“Sana yung mga lessons na ganito madala niya hanggang sa kanyang paglaki. Ang maha­laga, you have your loved ones supporting you.

“She felt better after our talk, kaya ayan napasulat sa diary. Love you Ate Z!You’re a true winner in our eyes,”ang caption ni Marian.

Umani naman ng papuri ang nasabing larawan ni Z mula sa netizens at kapwa celebrity ni Marian saying how pretty and adorable she is at kinabog nga raw sa ganda ang ina.

Mikee at Mikoy nagsasabay na umuwi at pumunta sa taping

Magkapitbahay lang pala sina Mikee Quintos at Mikoy Morales kaya nagsasabay na raw sila papunta sa taping ng The Gift pati na rin sa pag-uwi.

Eight minutes away lang daw kasi ang pagitan nila. Taga-Sampaloc si Mikee at sa Tomas Pinpin naman si Mikoy na ayon sa aktor/singer ay nu’n lang niya nalamang magkalapit sila.

“Nun’g first day ng taping, nagyaya siya ng breakfast sa bahay niya bago pumunta ng ser,” kuwento ni Mikoy. “Tapos nung winaze ko, “tama ba ‘to, 8 minutes away?” Tapos, parang mga limang liko, andu’n na ako.”

Kaya buhat daw nu’n, every taping ay sabay na sila.

Matagal nang magkaibigan sina Mikee at Mikoy na talagang friends lang dahil pareho naman silang in a relationship.

As we all know, ang dyowa ni Mikoy ay ang fellow Kapuso talent na si Thea Tolentino habang si Mikee naman ay non-showbiz ang boyfriend.

Pero ayon kay Mikee, dito raw sa The Gift, mas nakilala pa niya si Mikoy at mas naging close pa sila na tipong nagsasabihan at nagkukuwentuhan na ng mga malalalim na bagay.

Ginagampanan ni Mikee sa The Gift ang papel na Amor habang si Mikoy naman ay si Bistek. 

vuukle comment

MARIAN RIVERA

ZIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with