^

Pang Movies

KC hindi inabot ang kaistriktuhan ng lolo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
KC hindi inabot ang kaistriktuhan ng lolo
KC

Natatandaan naming, doon sa pelikulang Captain Barbell nagkaroon ng cameo role si Sharon Cuneta bilang si Darna. Dalawa ang dahilan doon, naniniwala ang director na si Leroy Salvador na makakadagdag iyon sa novelty ng pelikula na isinali pa naman sa festival. Ikalawa, makikita ang reaksiyon ng mga tao kung tanggap si Sharon bilang Darna. Nasa kanila noon ang film rights ng Darna at ang talagang plano ay ipagawa iyon kay Sharon.

Isinama iyon sa trailer ng pelikula. Napanood iyon ni Mayor Pablo Cuneta. Hindi niya nagustuhan ang costume ni Darna na ginamit ng kanyang anak. Matapos mapanood iyon, agad na tumawag si mayor sa Viva, ayaw na niyang gumawa si Sharon ng isang Darna movie.

Mayroon pang isang insidente. May special presentation ang show ni Sharon. Nagkaroon ng isang dance number na naka-suot siya ng tanga. Aba si Sharon naka-tanga, kaya noong sumunod na araw laman iyon ng mga diyaryo. Nagalit din si Mayor.

Naalala lang namin ang lahat nang iyan nang makita namin ang picture ni KC Concepcion noong isang araw na inilabas niya mismo sa kanyang social media account. Kung nabubuhay pa si mayor ngayon, ano kaya ang sasabihin niya sa kanyang apong si KC?

Si Mayor noon, ano man ang problema, lagi mo siyang makikitang nakangiti. Kahit na nga may disaster na sa Pasay, nasa opisina siya para pangasiwaan ang problema, pero nakangiti si mayor. Sinasabi nila, basta nagsalubong na ang kilay si mayor at uminit ang ulo, medyo kumubli ka na. Pero makakangiti kaya si mayor kung ang mabubungaran niya ay ang picture ni KC?

Kung sabagay, sabi nga nila, iba na ang panahon noon kaysa sa panahon ngayon. Noon ang mga tao ay masyadong conscious sa kanilang image, ngayon hindi na.

Jak at Barbie naka-three years na

Ang bilis ng panahon ano, hindi namin namamalayan hanggang may nagsabi sa amin, tatlong taon na palang mag-syota sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Ok naman sila at tahimik ang kanilang relasyon. Hindi kagaya ng ibang mag-syota na kung anu-anong tsismis ang naririnig mo. Kasi marunong naman silang lumagay sa ayos.

Mukha ngang nagiging seryoso na rin sila dahil open na si Barbie na magbirong kung magpapakasal siya ay gusto sana niya sa Balesin, pero binawi naman niya agad iyon na kung mas gusto raw ng kanyang boyfriend na mas simple, kahit na saang garden ok silang pakasal ni Jak.

Ok ang ganyang relasyon, simple lang.

Mga artistang nagdo-droga hindi pa rin nahuhuli

Umamin ang isang male star na totoong talamak ang droga sa showbusiness at maging sa modelling world. Alam niya iyon dahil pareho siyang gumagalaw sa dalawang magkaibang mundong iyon. Pero iisa ang character ng mga tao riyan. Karamihan may pera at mabilis na kumita ng pera. Kilala sila at madali silang lapitan ng ibang tao, kahit na ng mga pusher. Sila iyong madalas sa mga watering holes at mga party na alam naman natin kung ano ang nangyayari.

Marami nang artista ang nahuli at nakulong pa dahil sa ipinagbabawal na droga. Salamat na nga lang at wala pa tayong nababalitang nato-tokhang kahit na isa, pero kung hindi sila titigil, hindi rin malayong may ma-tokhang sa kanila.

Nakakahiya iyon.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with