^

Pang Movies

Loob ng kotse ni Kim mas maganda pa sa kanilang bahay!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Philstar.com
Loob ng kotse ni Kim mas maganda pa sa kanilang bahay!
Kim

Kaaliw ang latest vlog ni Kim Chiu sa kanyang YouTube account na tour sa kanyang bonggang van. In just 3 days nga simula nang i-upload niya ito ay nasa 1.4M plus na ang views nito.

Ipinakita ni Kim ang loob ng kanyang van at kung anu-ano ang nakalagay dito. Ang dami ngang pumuri dahil parang bahay na rin ang kanyang sasakyan na may kama pa.

Pinanood nga rin namin ang nasabing vid at naaliw talaga kami lalo na ‘yung part kung saan ay ini-reveal niya ang sikreto kung saan siya umiihi.

Wala kasing CR ang kanyang van at sey niya, natanggap na raw niya na maliit lang ang kanyang sasakyan na hindi pwede talagang lagyan ng toilet kaya ipinakita niya kung paano at saan siya umiihi.  “Ihi” talaga ang term na ginamit niya na for sure ay lalong ikinaaliw ng kanyang fans.

Nakakatawa ‘yung ipinakita niya ang isang black box at pa-suspense pa kung ano ang laman. Nang buksan niya ay isa itong arinola na kulay violet. Pamana raw ito sa kanya ng kanyang lola at tinawag niyang “Arinola Chiu.”

“Everywhere I go, I really have to bring this, kasi mahirap na. This is the key to a very successful UTI (Urinary Tract Infection)-free,” sey niya sabay-halakhak.

“This will bring you to UTI-free movement. So, pag naiihi, ‘wag pipigilan, arinola is the key. Sometimes, it smells sinigang, bulalo, but this is the key,” pabakla pang sey ni Kim.

“Pero t..e, hindi. Hindi ako tat..e dito, grabe na ‘yun! Ihi lang,” sambit pa niya.

Nag-demo pa siya kung paano siya umupo sa arinola. Hahaha!

Aliw na aliw ang mga netizens na nanood ng vid at may nagkomento pang mas maganda pa nga raw ang van ni Kim kaysa sa entire house nila.

In fairness, entertaining ang nasabing vid kaya hindi kami nagtataka na milyones na agad ang views nito.

Sharon nagkasakit sa kaka-diet

Pinatigil na muna sa pagda-diet si Sharon Cuneta ng kanyang asawang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan dahil nagkasakit na siya.

“I really haven’t been feeling well for days now, since I got back from NY. In fact, the day before taping GGV, which was the day after I arrived back in Manila, I got sick na. I tried to fight off jetlag during my 6 days in the States para naman gising ako while I was with Frankie, so halos wala akong tulog,” ang simula ng Instagram post ni Sharon.

Kwento pa niya, last Sunday habang papunta siya sa ASAP, talagang masama na raw ang pakiramdam niya at nakatulog nga siya sa car.

“It was the 3rd day of me being back on my very strict diet pa - kasi naman di pa nakaka-recover nagdiyeta pa na sobrang hirap - so when I arrived home, my nose was so clogged na, I was coughing, and felt the symptoms of the flu coming on.

“Kinontra ko ng gamot but I have to see my doctor na but he isn’t available tomorrow.

“Pinakain na ako ni Kiko at tama na daw muna ang diet,” patuloy ni Megastar.

Last Monday dapat daw ay may rehearsal sila ni Regine Velasquez para sa Iconic concert nila na gaga­napin sa Araneta Coliseum on Oct. 18 & 19, pero hindi rin daw niya kinaya.

“Baka sa concerts ‘mute’ na ako at walang boses. Reg has been so sweet and encouraging and caring. Am thankful my present concert ‘partner’ is Reg,” ani Shawie.

Sa huli ay hiniling niyang ipagdasal daw siya para gumaling na siya.

“Please, please pray for me. Ang hirap. Thanks so much. God is good. Please help me bombard Him with prayers for my healing, health, and energy! Naubos na eh! Thanks so much. Love you all,” pagtatapos ni Sharon.

Dumagsa naman ang “get well soon” messages mula sa netizens at agree sila na tama na muna ang diet. Marami rin ang nagsabi na malaki na rin ang ipinayat niya na totoo naman.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with