^

Pang Movies

Julia Montes nagparamdam na, balik-teleserye na nga ba?

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Julia Montes nagparamdam na, balik-teleserye na nga ba?
Julia Montes

True kaya na nagpaparamdam na si Julia Montes na babalik na siya sa showbiz at gagawa ng teleserye?

Ayon sa narinig kong kuwento, may mga kinausap na diumano ito kung ano ang magandang TV comeback.

Walang official na statement si Julia sa biglaan niyang pagkawala. Pero pinagbintangan siyang nabuntis at nanganak na diumano.

Nauna nang kinumpirma ng source na nag-apply ito ng dual citizenship sa Germany kaya matagal itong nag-stay sa piling ng amang German na si Martin Schnittka na two years ago lang nang nagkaroon sila ng reconnection.

More than a year nang absent sa showbiz si Julia.

May pagkakataong nagpaparamdam siya sa social media pero walang kinalaman sa kanyang sinasabing panganganak na diumano ay si Coco Martin ang ama.

Hinihintay ng showbiz ang mga dahilan ng pansamantalang pagtalikod sa kanyang career ng Kapamilya actress.

KoBe Paras pinagnanasaan ng mga bading na sikat sa showbiz

Uy si Kobe Paras pala ngayon ang pinagnanasaan ng maraming sikat na bading sa showbiz.

Ayon sa source, pati raw isang sikat na manager, gusto itong hawakan.

Pero may pagka-suplado raw ang anak nina Benjie Paras and Jackie Forster.

Meron din daw isang pulitiko na nag-offer na mag-apir sa isang event sa kanilang probinsiya si Kobe. Nang makarating daw ito kay Benjie, nag-dialogue daw ito ng “sa akin muna siya dumaan.”

 We doubt nga naman kung may makakalusot sila kay Benjie at lalo na kay Kobe.

Naglalaro for UP si Kobe sa UAAP.

Juday rumampa sa palengke ng Busan

Sa kanilang lola Carol Santos naiwan ang mga anak nina Judy Ann Santos and Ryan Agon­cillo habang nasa Busan ang mag-asawa.

Rumampa nga si Juday sa ginaganap na Busan International Film Festival kung saan ipalalabas ang pelikula niyang Mindanao.

Hindi ko lang sure kung may hilig siya sa Korean dramas na kinababaliwan din ng maraming artista.

Karaniwang dumagsa sa BIFF ang mga sikat na Korean stars.

Nung isang araw pa sila nasa Busan na mag-asawa at makikita sa kanilang social media accounts na namasyal sila sa palengke doon.

 

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with