^

Pang Movies

Maine hindi na halos namamahinga

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine hindi na halos namamahinga

Kahit ang manager ni Maine Mendoza na si Rams David ay naawa sa tweet ng alaga noong isang araw na “Pagod na pagod na ako kahit Tuesday pa lang Lord pengeng lakas please.”

Bumilang ng libu-libong comments from fans ang daing ni Maine, na sana raw ay makapahinga naman siya.

“Hindi mo naman siya masisi dahil nagkataong recently, nagkasunud-sunod ang work niya,” sabi ni Rams.  “Magkasabay kasi niyang sinu-shooting ang dalawang movies niya na Isa Pa With Feelings with Carlo Aquino for BlackSheep Inc. at ang Mission Unstapabol: The Don Identity nila ni Vic Sotto, at entry ng APT Entertainment, Inc. at M-Zet Productions for the coming Metro Manila Film Festival sa December, 2019. May times nga na sa buong maghapon, magsu-shooting siya with Carlo at sa evening, sila naman ni Bossing. Then every Tuesday, may taping siya ng Daddy’s Gurl na napapanood every Saturday after The Clash.”

“Kahit hindi muna siya nagri-report sa Eat Bulaga daily, may pumapasok siyang photo shoot or TVC shoot. Iyon lamang ang maganda kay Maine, very professional siya, kahit nahihirapan, hindi niya pinababayaan ang kanyang trabaho.

“It’s good na parehong patapos na rin ang dalawang pelikula ni Maine, kaya may chance na siyang makapagbakasyon kahit ilang araw lamang,” sabi ni Rams. “Iyon ay after niyang makapag-promote ng movie nila ni Carlo, na showing na sa October 16.”

Rita mas maraming alam sa buhay ni Ken

Nagkatawanan sa mediacon ng One of the Baes na nagtatampok muli sa love team nina Rita Daniela at Ken Chan, at produced ng GMA News & Public Affairs, nang kumustahin sila muli after ng sunud-sunod na shows na muling pinagsamahan nila after ng drama series nilang My Special Tatay.

Bago kasi ang airing ng One of The Baes, ka-join na sila every Saturday sa musical program na Studio 7 at ngayon ay napapanood na rin sila as journey hosts ng musical show na The Clash kasama sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, the reason na kailangan muna nilang tanggalin sa Studio 7.

“Trusted po namin ni Rita ang isa’t isa,” sabi ni Ken. “Para nga pong mas marami pang alam tungkol sa akin si Rita, kaysa sa mommy ko,” natatawang wika ni Ken. “Mas nasasabihan ko pa ng secrets ko si Rita, mga bagay na hindi ko masabi sa nanay ko. Ako man ay kilalang-kilala ko na si Rita. Kapag magkasama kami sa set, alam ko na kung nagugutom na siya, kung inaantok na siya, kung sinusumpong siya ng acid reflux niya, hindi na niya kailangang magsalita pa.

Paano ang fans nila na ang wish ay maging sila nang dalawa off-camera?

“Sana po ay maunawaan nilang nakabuo kami ni Rita ng ibang klase ng friendship.”

Sa Monday, mapapanood na ang One of the Baes after ng The Gift.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with