^

Pang Movies

Ogie bibida sa MMK!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Ogie bibida sa MMK!
Ogie Alcasid

Hindi lang sa pelikula susubok si Ogie Alcasid, sasabak na rin siya sa pag-arte sa telebisyon. Na-inspire marahil siya sa natanggap niyang award bilang Best Actor para sa ginawa niyang Kuya Wes kung kaya uulitin niya ito sa small screen. Huwag n’yo siyang hamakin dahil sa pangunahing drama anthology sa TV lamang siya sasabak, sa Maalaala Mo Kaya na pawang magagaling na artista lamamg ang gumaganap sa mga kuwentong tampok dito.

Wala pang final na petsa ang episode na gagawin at ang mga makakasama niya pero excited na si Ogie dahil isang puppeteer ang magiging role niya.

Regine overexposed na sa TV?!

Samantala, sa concert na magkasama nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez malalaman kung wala bang masamang epekto kay Songbird ang sinasabing over-exposure niya sa TV, lalo na nang maging Kapamilya siya. Hindi siya ganun kadalas mapanood nung nasa kabilang istasyon pa siya. Worried ang fans and supporters ni Regine na baka kinasawaan na siya at hindi na siya panoorin sa concert.

Maaapektuhan naman si Mega na first time niyang makakasama sa isang concert. Unlike the Songbird, kahit ang nag-iisang programa ni Mega sa TV ay nawala na rin.

Hashtags kinakabog na ng Bidaman

Napapatungan na ba ng mga Bidaman ang Hashtags? Ang una ang napanood sa It’s Showtime nung Martes at sa Hashtags ay tanging si Zeus Collins lamang ang nagsayaw. Siyempre, worried ang supporters ng Hashtags dahil nasaan na sina McCoy de Leon, Jameson Blake, Ryle Santiago at Luke Conde, Ronnie Alonte, Paulo Angeles,  Nikko Natividad, Tom Doromal at Jimboy Martin?

Kumuha na nga ng mga bagong member para hindi butas ang bilang ng grupo sa dance numbers nila dahil marami na ang may mga iba nang ginagawa. Pero, maging sina Wilbert Ross. Kid Yambao, CK Kieron, Maru Delgado, Vito Marquez ay wala rin.

Tanging ang grupo ng Bidaman na pinamumunuan ng winnner na si Jin Macapagal ang unti-unti nang humahakot ng mga supporter. Kung magpapatuloy ito, before you know it baka wala na ang Hashtags. Tsk. Tsk. Tsk.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with