^

Pang Movies

Marian may pabaong anting-anting kay Dingdong sa Germany

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Marian may pabaong anting-anting kay Dingdong sa Germany
Marian Rivera

Masaya si Marian Rivera para sa mister na si Dingdong Dantes sa nalalapit na pagsali nito sa BMW Berlin Marathon 2019 na gaganapin ngayong Sept. 29 sa Berlin, Germany. Although siyempre, aminado siyang medyo malungkot din siya sa pag-alis ng asawa dahil mahigit two weeks din daw itong mawawala but at the same time ay happy naman siya na dahil alam niyang dream ito ng aktor.

“Basta sabi ko lang sa kanya, mag-iingat siya at palagi niyang tatandaan na tatlo kaming naghihintay sa Pilipinas. So, kailangang i-enjoy niya ro’n, at the same time, umuwi siyang safe,” sabi ni Marian nang makatsikahan namin sa soft opening ng flagship store ng Beautederm sa Marquee Mall, Angeles, Pampanga held last Wednesday.

Wala ba siyang pabaong anting-anting o lucky charm sa asawa?

“Kiss left and right,” natatawang sagot ng aktres.

“Ipagdadasal namin siya, siyempre. I-enjoy niya ‘yun, kasi talagang pangarap niya ‘yun, eh. ‘Yung journey na ‘yun, gusto ko siyang suportahan,” sey pa ni Marian.

Kahit pa nga hindi raw sila makakasamang mag-iina sa Germany dahil nga mahirap for her na may dalawang inaalagaang bata.

“Sabi ko nga, wrong timing, kasi may 5 months (baby) kami, tapos siyempre, ang layo, bitbit ko ‘yung dalawa, so, ang hirap.”

Hindi ba siya kinakabahan?

“Kaya niya ‘yun, kilala ko naman ‘yun, kaya niya ‘yun. Hindi papasok sa isang bagay ‘yan nang hindi niya kaya.”

Hindi na nga rin daw nila ihahatid sa airport dahil baka magkaiyakan pa sila.

Samantala, nagkagulo ang mga tao sa Marquee Mall sa pagdating ni Marian sa pagbubukas ng 88th store ng Beautederm. Ang aktres ang nanguna sa ribbon-cutting ceremony ng nasabing store.

Ayon kay Marian ay proud and happy siya para sa President and CEO ng Bautederm na si Rhea Anicoche-Tan sa tagumpay ng kumpanya na ngayon nga ay may 88 branches na.

Endorser si Marian ng Reverie by Beautéderm Home – na isang exquisite line of home scents – na kinabibilangan ng mga soy candles, room sprays, at linen sprays – na lahat ay nilikha ng Beautéderm sa pakikipagtulungan kay Marian upang maging mas kumportable ang bawat tahanan.

Of course, happy ang aktres na maging bahagi ng lumalaking pamilya ng Beautéderm.

“I feel blessed at honored din sa tiwala na binigay sa akin ni Rei para i-represent ang Beautéderm Home,” sabi Marian.

“Ang aking partnership sa Beautéderm ay isa sa pinakamaganda at nakakataba ng puso dahil para na kaming magkapatid ni Rei. Pamilya ko na ang buong Beautéderm staff.”

Sa Setyembre 22 (Linggo) at 4:00 p.m., sa Marquee Mall, pormal na bubuksan ng Beautéderm ang pinto ng flagship store nito sa publiko sa pamamagitan ng isang grand mall show na pagbibidahan ng pinakamaningning na ambassadors nito gaya ng Face Of Beautéderm na si Sylvia Sanchez; mga award-winning actresses na  distributors, at mga miyembro ng mainstream press at pati na rin ng madaming mga tagahanga ng Primetime Queen ng Kapuso network.

Kate maldita raw

Iniintriga ngayon ang pagkawala ni Kate Valdez sa variety show na Studio 7 ng GMA 7 at diumano ay may attitude raw ang young actress kaya siya tinanggal sa programa.

From a reliable source, we learned na walang katotohanan na tinanggal si Kate sa Studio 7 dahil ang totoo, ang aktres daw mismo ang nagpaalam na aalis muna sa show para makapag-focus sa kanyang pag-aaral.

Kate is only 18 at nasa Grade 10 na siya sa ALS (Alternative Learning System) Miriam College at mahirap naman talagang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Hindi rin daw totoong may attitude ang young actress tulad ng napapabalita. In fact, kung makikilala lang daw natin si Kate ay mabait daw ito at nami-misinterpret lang ng iba na suplada.

Nagsimulang mapabalita na may attitude si Kate during Onanay teleserye at matagal na rin itong nilinaw ng dalaga maging ng mga staff na nakakatrabaho niya na wala itong katotohanan.

Sa ngayon ay pa-guesting-guesting na lang muna si Kate on TV pero mapapanood siya sa big screen ngayong Oktubre sa pelikulang Black Lipstick kasama sina Kyline Alcantara at Manolo Pedrosa.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with