^

Pang Movies

John Lloyd 2 years nang pahinga

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
John Lloyd 2 years nang pahinga
John Lloyd Cruz

Next month ay dalawang taon na ang ‘bakasyon’ sa showbiz ng (dating) Kapamil­ya actor na si John Lloyd Cruz na hu­mingi ng ‘indefinite leave of absence’ sa kanyang trabaho bilang actor.

Although halos dalawang taon nang hindi aktibo sa kanyang showbiz career si JLC, sabik pa rin ang mga tao, especially his supporters na siya’y bumalik sa mundong kanyang niyakap at kinabilangan ng mahabang panahon.

Hopeful pa rin ang fans at mga kaibigan sa showbiz ni JLC sa kanyang muling pagbabalik although hindi nila alam kung kailan ito mangyayari.

Not to long ago ay muling nakita si John Lloyd along with Bea Alonzo and Piolo Pascual na may kinalaman sa bago nilang endorsement and most recently ay muling napabalita ang pagdidirek nito for the very first time ng music video ng  pinakabagong single ng pop band na Sugar Hiccup, ang Sa­turnine Nevermore from their 5th and latest album Closure.  Dito ay ginamit ni JLC ang kanyang palayaw na Idan Cruz bilang director.

May mga nagsasabi na unti-unti na ring bumabalik si JLC sa showbiz sa pamamagitan ng ibang medium, ang pagdidirek. Pero optimistic pa rin ang marami niyang followers na maaari na itong magbalik-showbiz in October sa ikalawang taon nitong ‘bakasyon’.

Sa kabila nang matagal na pagkawala ni JLC sa showbiz, sabik pa rin ang marami sa kanyang mu­ling pagbabalik.

Kailan kaya ito mangyayari, Salve A.?

Ella Cruz 11 years old lang nang makakuha ng FAMAS

Singer-actress, car racer, entrepreneur and dance princess Ella Cruz was 11 when she won her first FAMAS Awards bilang Best Child Actress para sa pelikulang Resiklo na pinagbidahan ni Sen. Bong Revilla at dinirek ni Mark Reyes under Imus Productions.  Ang nasabing pelikula ay naging kalahok sa Metro Manila Film Festival in 2007.

12 years later ay muli itong naulit nang hirangin siyang Best Supporting Actress for the movie Edward ng 2019 Cinemalaya Film Festival. Ang nasabing pelikula na nabigyan din ng Special Jury Prize ng Cinemalaya ay nakatakdang i-release commercially nationwide sa darating na October 2, 2019. Ito’y pinamahalaan ni Thop Nazareno at produced ni Direk Joyce Bernal.

Hindi ikinakaila ni Ella na nagkaroon umano siya ng hesitation na gawin ang pelikula dahil kakaiba sa roles na una niyang ginampanan sa pelikula at telebisyon, kinausap umano niya ang kanyang Mama (Jesica Cruz) at si Boss Vic del Rosario (ng Viva) at saka umano siya nag-desisyon na tanggapin ang project.

“I’m glad ginawa ko po ang pelikula,” aniya.

“Pero hindi ko po inasahan na mananalo po ako for the role.  I just did my part,” dugtong pa nito.

Masasabing double victory ‘yon for Ella dahil bukod sa kanyang panalo bilang Best Supporting Actress, dagsa ang mga tao sa opening ng kanyang Tea Tops business na matatagpuan sa Poblacion ng Bustos, Bulacan na personal na pinamamahalaan ng mommy Jesica niya.

Isang buwan today, September 13 ang unang business na itinayo ni Ella and her family at so far maganda ang takbo nito dahil parati itong puno ng tao. Dahil dito, balak ng rumored sweethearts at magka-loveteam na Ella at Julian Trono na magbukas ng panibagong branch in Manila bilang mag-business partners next year.

Samantala, Kaunti lang ang nakakaalam na si Ella ay isang car racer at napakagaling nitong magmaneho (kahit malaking sasakyan) sa kabila ng kanyang pagiging petite.  In 2017, sumali ito sa Toyota Vios Cup kung saan siya nanalong second place.

kung showing on October 2 ang pelikulang Edward sa mga sinehan,  nakatakda namang mapanood sa ere ang kanilang bagong TV series ni Julian Trono on Viva TV on September 21 na pinamagatang Sisters Forever (2gether Poorever).

May gagawin ding bagong movie ang dalawa under Viva Films na tatampukan din nina Andrew Muhlach at Vito Marquez.

 

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with