^

Pang Movies

Ryle hindi pinayagan ampunin

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ryle hindi pinayagan ampunin

Binalak na pala ni Cris Tan na ampunin si Ryle Santiago nu’ng seven years old pa lang siya. Anak ng aktres na si Sherylyn Tan kay Jun Jun Santiago si Ryle. Kapatid si Jun Jun nina Rowell, Randy at Raymart Santiago.

“Hindi pumayag ang mga Santiago sa balak ko,” saad ni Cris sa renewal ng contract ng stepson sa Megasoft’s Cherub Baby Care Products.

Sa isang product launching ni Ryle bilang endorser, ginamit niya ang pangalang Ryle Tan. Pero ayon sa stepfather, Santiago na ang official surname ni Ryle.

“Siya na rin ang nagdesisyon na ‘yon ang gamitin niya. Wala namang problema sa akin,” saad pa ni Cris.

Sa pagiging endorser ng Cherub, alam ni Ryle na priority pa rin ang studies kahit artista siya. Nag-aaral pa rin siya ngayon sa Meridian International College at kumukuha ng kurso sa film.

Sa pagkuhang muli kay Ryle bilang endorser, ayon kay Aileen Choi-Go, VP for Sales and Marketing ng Megasoft Hygienic Products, “Ryle has a bubbly personality, always happy, always optimistic and perky much like out brand  Cherub has been portrayed in the market.

“His first 18 months as endorser has been very fast and I applaud how he is able to balance the pressure of being a student and a celebrity yet maintaining his quirky self,” pagmamalaki ni Miss Aileen.

Marian dinala si Zia sa Basilica

Twinning ang mag-inang Marian Rivera at Zia sa suot nilang damit na pinost ni Yan sa kanyang Instagram.

Bumisita ang mag-ina sa Grotto of our Lady of Lourdes at sa caption niya, “Feeling both grateful and blessed to have been able to visit this basilica with Ate Z.”

Ipinakita ni Yan ang batong tinuntungan ni Mary nang magpakita siya sa tatlong anak ng shepherd na sina Lucia, Jacinta at Francisco. May kuha naman si Zia na nakadikit ang mga kamay sa bato.

Lalong tumingkad ang flawless na kutis ng mag-ina sa suot nilang kulay itim na may accent na puting burda, huh!

Isa si Yan sa mga artistang hindi nakakalimot magpasalamat sa Diyos sa biyayang natatanggap niya. Aba, kelan lang ay may syinut na naman siyang bagong endorsement, huh!

vuukle comment

RYLE SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with