^

Pang Movies

Kim trabaho na uli, hindi nakapaghintay matapos ang ghost month

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kim trabaho na uli, hindi nakapaghintay matapos ang ghost month
Kim Chiu

Naku, Ateng Salve, ngarag pa ako dahil sa jet lag at karara­ting ko pa lang kahapon, pero tsinika ko na si Jana Victoria tungkol sa taping ng Love Thy Woman.

Natuloy nga ang pagre-resume ng taping noong Tuesday ng nasabing ABS-CBN series kahit “ghost month” pa dahil noon pa naman sila nakapagsimula, so, hindi naman masama kung nag-resume na nga sila ng trabaho noong isang araw.

Sabi ni Jana, masaya raw sa set dahil work mode na naman sila.

May ipinadalang picture sa akin si Jana na kasama niya sa eksena sina Sunshine Cruz at Kim Chiu, pero hindi niya naikuwento kung sino pa ang ibang mga nag-taping noong Tuesday. “So excited, I’m working again!” sey ni Jana na gusto uling magtuluy-tuloy na sa kanyang showbiz career.

Bukod nga sa Love Thy Woman, may ilang pelikula ring gagawin si Jana.

Advice nga pala kay Jana ng manager niyang si Annabelle Rama, dapat na maging priority niya ang kanyang showbiz career at huwag muna ang love life.

Well...

Sheryl hindi bagay sa pulitika

Magpapaka-active pala uli sa showbiz si Sheryl Cruz pagkatapos matalo noong nakaraang eleksiyon nang tumakbo siyang city councilor sa Manila.

I heard, may new series siya sa GMA-7 na sisimulan (o sinimulan na?).

Marami ang nagsasabing mas dapat mag-concentrate sa pag-aartista si She­ryl at kalimutan na muna ang pulitika.

Agree ba kayo, dear readers?

Donita malaki na ang ipinayat

Kasama si Donita Rose sa Last Woman Standing series para sa Sari-Sari channel ng Viva sa Cignal Cable.

Co-star ni Donita sa series na ‘yon si Janno Gibbs.

Sabi ni Donita nang maka-text ko kahapon, “Super excited to work with Kuya Janno again!”

More than four years din kasi silang nagkatrabaho sa Ober Da Bakod noon sa GMA-7.

Pero si Anjo Yllana ang kapareha niya roon, ‘di ba?“Yes... si Anjo ang ka-love team ko before, then Janno and Gelli. And when Gelli left Ober Da Bakod, it was Janno and I na before it ended. The show lasted more than four years,” sey ni Donita.

Napansin ko nga pala sa video na ipinadala sa akin noong nag-story conference/look/test ang cast ng Last Woman Standing na ang laki na ng ipinayat ni Donita!

‘Yun na!

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with