^

Pang Movies

Kim ‘pinapak’ si Xian matapos mag-champion sa All-Star Games

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kim �pinapak� si Xian matapos mag-champion sa All-Star Games

Kumaripas ng takbo si Kim Chiu sa kinaroroonn ng boyfriend na si Xian Lim dahil sumakto ang dating nito sa pagtatapos ng larong volleyball kung saan player ang Chinita Princess at nanalo ang team niya.

Nakuhanan ng video ang pagsugod ni Kim kay Xian, tumalon, ipinulupot ang dalawang legs sa baywang nito at saka pinupog ng halik, huh!

Naganap ang All-Star Games ng Star Magic Talents sa Araneta Coliseum last Sunday at present din si Gerald Anderson na naglaro naman ng basketball. Nakita kaya ni Gerald ang pagpulupot ni Kim kay Xian?

May sariling moment naman ng pagtsi-cheer sa kani-kanilang boyfriend sina Kathryn Bernardo at Loisa Andalio. Si Kath kay Daniel Padilla at si Ronnie Alonte naman kay Loisa.

Naging bahagi rin ng palaro sina Maja Salvador at Julia Barretto.

Sue bet na bet ang paghuhubad!

Handa pa ring mag­hubad ni Sue Ramirez kung kinakailangan at kung papayagan siya ng kanyang management.

Eh sa bagong pelikula ni Sue na Cuddle Weather, lalabas siyang pokpok habang ang partner naman niyang si RK Bagatsing ay call boy naman.

Siyempre, may mga eksena silang nakikipaglampungan, huh!

“RK is super gentleman. Hindi ako naramdaman ng ilan, I feel safe around RK, so that’s a great partnership pag nagtatrabaho kayo.

“You have to be really comfortable. You have to feel safe with each other. Meron nga si Ram (character ni RK) na shower scene tapos pinanood siya ng character ko,” rason ni Sue.

Isa ang Cuddle Weather sa inaabangang entries sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino sa September dahil sa pagi­ging matapang ni Sue sa maiinit na eksena.

Patunay ang mahigit na 1M views sa trailer nito, huh!

vuukle comment

KIM CHIU

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with