^

Pang Movies

BB napanood na manghuhula sa Netflix

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
BB napanood na manghuhula sa Netflix
BB Gandanghari

Mukhang unti-unti nang nagpi-pay off ang pananatili sa California, USA ng nakakatandang kapatid ni Robin Padilla na si BB Gandanghari, na kilala dati as Rustom Padilla.

Sa isang rare interview ni Robin Padilla sa Magandang Buhay ay inamin niya na driver ng Uber umano si BB Gandanghari sa Amerika habang naghihintay siya ng opportunity na makapagtrabaho sa Hollywood bilang isang transgender actress.

Ngayon ay napanood na si BB sa series na Too Old To Be Young which streamed sa Amazon Prime at kamakailan lamang ay muli siyang napanood sa American comedy TV series na Glow on Netflix bilang si Patricia na isang fortune teller at tarot card reader.

It was in September 2017 nang lumagda si BB Gandanghari ng kontrata sa The Brogan Agency, isang California-based talent management company.

Nagda-drive siya ng Uber to sustain his daily needs.

Jane loveless na

Mag-iisang taon nang hiwalay ang ex-PBB housemate at aktres na si Jane Oineza sa kanyang ex-boyfriend na si Kyle Secades na isa ring ex-PBB housemate.

Sa ngayon, inamin ni Jane na mas naka-focus umano ang kanyang attention sa kanyang sarili at sa kanyang trabaho at maging sa kanyang pamilya.

Si Jane ay mapapanood sa isang digital series na Finding You kung saan niya kabituin sina Jerome Ponce at Barbie Imperial.

Gretchen nagpa-freeze na rin ng egg

Kung naging controversial ang 39-year-old entertainment segment anchor of ABS-CBN’s TV Patrol na si Gretchen Fullido nung isang taon matapos itong mag-file ng sexual harassment at libel complaint sa ilang kasamahan niya sa news department ng Kapamilya network, ngayon naman ay nagpa-harvest siya ng kanyang egg to be frozen na kanyang ginawa sa isang clinic sa Makati na tulong ng mag-amang doctors na sina Dr. Greg at Dra. Gia Pastorfide.  Ang bagong journey na ito ni Gretchen ay kanyang isi-share via a documentary sa kanyang sariling YouTube channel account.

As the woman grows older, nababawasan ang chance nitong magkaanak kaya ngayon pa lamang ay nagpa-harvest na siya ng sarili niyang egg cells na kanyang mapapakinabangan balang araw sakaling naisin niyang magkaroon ng anak.

vuukle comment

BB GANDANGHARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with