^

Pang Movies

Ellen dinamayan ni Beauty

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Ellen dinamayan ni Beauty
Beauty Gonzalez, Ellen Adarna

Si Beauty Gonzalez pala ang nakasama ni Ellen Adarna sa isang bakasyon sa Thailand. Wala ang kani-kanilang mga asawa pero, an­dun ang mga anak nila, ang anak na babae ni Beauty at si Elias nina Ellen at John Lloyd Cruz. Marami ang naniniwala na ang bakasyon nila na  di kasama ang mga partners nila ay isang paraan para mas mapagisipan pa ni Ellen ng mabuti kung itutuloy niya ang pakikipaghiwalay kay Lloydie. Bagaman at marami ang  natutuwa na after this ay makakabalik muli sa kanyang pag-aartista ang magaling na aktor, nadagdagan naman ang nagagalit kay Ellen dahil siya pa ang may ganang makipaghiwalay sa ama ng kanyang anak, gayung siya ang pinili ng aktor over his successful showbiz career. Tsk. Tsk. Tsk.

Yamyam winner na winner

Mula simula hanggang sa pagtatapos ng episode ng PBB Otso Gold ay na kay Yamyam Bukong na ang simpatya ng manonood ng reality show.

Hindi nakapagtataka na sa higpit ng naging kumpetisyon at dahil maraming deserving na tulad niya ang nakalaban niya ay siya pa rin ang pinili ng network at maging ng texters para maging Ultimate Winner.

With his big win, marami ang mangyayari para mabago ang buhay ng isang nangangarap na mapabuti ang kanyang buhay at ng pamilya niya.

Makakatulong pa rin siya sa mga kaibigan niya na nabigo sa kanilang pangarap na makabangon pa kung gugustuhin niya, tulad ni Fumiya. Next time na makita sana natin siya ay tapos na siya ng kanyang studies at umangat na ang buhay.

Daniel focus sa pagkanta

It’s nice to know na hindi pinayagan ni Daniel Padilla na maiwan ng milya-milya ang kanyang karera ng tagumpay ng Hello, Love, Goodbye.

Hindi sapat yung pagiging masaya niya sa naging tagumpay ng kanyang ka-loveteam, dapat maipakita niya rin kay Kathryn Bernardo na makakaya niyang maging independent at magtagumpay din kahit di sila magkasama. Currently, abala sila ni Moira dela Torre sa kanilang kolaborasyon para sa Himig Handog. Ang pagkanta niya ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng Teen King.

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with