^

Pang Movies

Alden at Kathryn tumabo na ng P180-M!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Alden at Kathryn tumabo na ng P180-M!
Kathryn Bernardo at Alden Richards

Hindi nakapagtatakang nakapagpasok na ng almost P180-M ang pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, sa rami ba naman ng mga kinuhang sinehan nito at sa rami ng nanonood? Hindi malayong mabura nga nito ang record na itinala ng The Hows Of Us nina Kathryn at Daniel Padilla.

Malakas ang chemistry ng tambalang KathDen, hindi na kinailangang bihisan ang dalawa ng mga sosyal na damit. Sa pag-iyak pa lang at pag-arte ng mga ito ay nadala na nila ang mga manonood. Hindi sila nagsapawan sa eksena, sa halip ay nagawa nilang palutangin ang talento ng isa’t isa.

Samantala, malaki rin ang naging kontribusyong ng supporting cast kung saan kabilang sina Lovely Abella, Kakai Bautista, Maymay Entrata, Joross Gamboa at Jeffrey Tam. 

Wagi rin sa kanilang mga role sina Jameson Blake, Maricel Laxa, Jerome Ponce at Lito Pimentel, napagalaw silang lahat ni direk Cathy Garcia-Molina.

Sa dami ng tao na pumila para hintayin ang last full show ay napakaraming baso ng milktea ang kanilang nabenta. ‘Di ako umiinom nito pero, nakita ko ang enjoyment na nakukuha nila sa malamig  nilang inumin. Sa sobrang excitement nila di na  nila naalala na di na nila kinailangang pumila pa dahil reserved ang seat ng sinehan. Lahat sila ay makakaupo at makakapanood ng maayos.Ako, naaliw sa pagmamasid sa kanila sa loob ng teahouse where I waited for the showing of the film with my companions.

Hiwalayang Ellen-John Lloyd totohanan ba?

Nakakainis kung totoong hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Ito ay matapos na ilagay sa hindi magandang sitwasyon ng naging ugnayan nila ang karera ng tinatayang isa sa pinaka-magaling na aktor ng bansa. Balitang si Ellen pa raw ang nag-instigate ng kanilang hiwalayan na ayaw din namang patulan ng marami dahil baka palabas lamang ito ng dalawa para mabilis na makabalik ang aktor sa kanyang trabaho, with Ellen beside him baka hindi pa matatanggap si Lloydie ng mga fans niya ng buong buo.

Juday malapit nang mapanood bilang bida

Nakatakda na ring mapanood ang seryeng Starla ni Judy Ann Santos. Sa sunud-sunod na pagtatapos ng mga inabangang serye ng Kapamilya, matatapos na rin  ang matagal nang paghihintay ng Drama Queen. Sana lamang ay matapos na ang role niya sa FPJ’s Ang Probinsyano bago mangyari dahil kapansin-pansin na kakaiba ang role niya sa serye ni Coco Martin, first time niyang mag-offbeat, baka maikumpara ito sa magiging role niya sa Starla.

Showtime nakipagbakbakan sa Bulaga

Ang ganda ng episode ng It’s Showtime nung Sabado. Talagang nakipagsabayan ang programa sa pagdiriwang ng  40th anniversary ng kalabang palabas na Eat Bulaga. Ang mas matagal na programa ang natsa-challenge na mas magpaganda pa ng show dahil sila ang mas matagal na sa ere, sila ang may hawak ng korona.

Fortunately para sa panoorin ng ABS CBN, umaagapay na sila sa EB, malaking tulong ang Tawag ng Tanghalan, maaring ituring na mas mahilab na singing contest kaysa sa Idol Philippines dahil ang mga nanalo sa katatapos na pakontes nila ay mga talunan sa TNT.

JoshLia suportado pa rin ng fans

Sana ay maitawid ng maganda ni Joshua Garcia ang naging hiwalayan nila ni Julia Barretto. Sa kabila ng kanyang pagtatanggol sa kanyang ex na sa tingin ng marami ay may script na sinusunod dahil mayro’n pa silang ginagawang movie ay halata na ang pagbigay ng katawan ng magaling ding young actor na siguradong dahilan sa kanyang pinagdadaanan.

Baka tuluyan siyang bumigay kapag naipalabas na ang movie nila. Sa ngayon tuloy pa rin ang suporta ng mga JoshLia fans, baka kapag naging mas malinaw ang lahat at saka sila magbigay ng kanilang verdict and reaction.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with