^

Pang Movies

Yam palit sa nilayasang serye ni Erich!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Yam palit sa nilayasang serye ni Erich!
Yam Concepcion

Si Yam Concepcion ang bagong dagdag sa cast ng Love Thy Woman ng ABS-CBN.

Si Yam na ba ang kapalit ni Erich Gonzales sa nasabing series ng Dreamscape?

Nag-resign kasi si Erich sa Love Thy Woman.

Nakailang taping days na si Erich sa nasabing series at naiba raw kasi ang role niya, kaya nag-decide na lang daw ang aktres na mag-resign sa nasabing series.

Excited naman ang fans ni Yam na after ng Halik ay may bago kaagad siyang trabaho sa Kapamilya network.

So, si Yam na ang magiging kontrabida kina Kim Chiu at Xian Lim sa series na ‘yon?

Well...

Mga lumahok sa WCOPA 2019, balik ‘Pinas na

Nakasabay ni Lorin Gutierrez sa PR103 flight from Los Angeles, California na dumating ngayong umaga sa Philippines ang ibang mga sumali sa WCOPA 2019 (World Championship of Performing Arts).

May special check-in counter sila sa Philippines Airlines sa Tom Bradley International Airport.

Marami pa ring Filipino talents ang sumasali roon. Isa si Jed Madela sa Pinoy talents na nagwagi noong araw sa WCOPA.

Tickets sa concert nina Martin at Pops sa US paubos na!

Ayon sa producer ng Two-gether Again sa Palace Theater sa Los Angeles, California on August 10, 80% na ang nabebenta sa tickets sa start ng US concert series nina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Sana nga raw ay ma-sold out sila hanggang sa araw ng concert.

Marami raw tickets inquiries at naunang nabenta ang VIP tickets.

Nagkita nga pala kami ni Pops sa L.A. noong Monday bago ako bumalik ng Philippines.

Ogie at Regine may bonding sa California

Ang flight ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid ngayong gabi pa-San Francisco, California.

Kasama sila sa ASAP in Bay Area sa San Jose, California ngayong Saturday.

Bale bonding time na rin ng mag-asawa ang travel nilang ‘yon.

Hanggang August 10 daw ang mag-asawa sa US.

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with