^

Pang Movies

Sarah tuwang-tuwa sa pagkapanalo ni Zephanie

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Sarah tuwang-tuwa sa pagkapanalo ni Zephanie
Zephanie Dimaranan

Inabot agad ng mahigit na one million views sa YouTube ang kanta ni Zephanie Dimaranan na tinanghal na grand winner ng Idol Philippines 2019 na Pangarap Kong Pangarap Mo.

Hindi lamang ang judges na sina Vice Ganda, Regine Velasquez, Moira dela Torre, at James Reid ang natuwa sa pagkapanalo ni Zephanie na nakakuha ng 100% votes, kung hindi maging si Sarah Geronimo na dating coach nito sa The Voice nang una itong sumali.

Wish nang lahat na magtagumpay din si Zephanie gaya ni Sarah G. sa kanyang journey, at sana ay maka-duet sila nito, soon.

Dama ang determinasyon at passion ni Zephanie sa kanyang bawat performance kaya naman umani siya ng kaliwa’t kanang mga papuri.

Nagsilbi rin siyang magandang halimbawa sa mga kabataang nangangarap na magkaroon ng pangalan sa larangan ng pagkanta dahil hindi siya sumuko kahit ilang beses siyang natalo.

Gusto rin ng mga tao ang attitude nito na marunong magpasalamat. Sana lang daw ay mapanitili niya ito at huwag lumaki ang ulo.

vuukle comment

ZEPHANIE DIMARANAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with