^

Pang Movies

Julia Montes binasag na ang katahimikan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Julia Montes binasag na ang katahimikan!

Binasag muli ni Julia Montes ang kanyang katahimikan sa social media nang mag-post siya kahapon ng pamamaalam sa Going Bulilit, ang programang kanyang pinagsimulan noong siya ay “bulilit” pa. Dahil nga magsasara na ang longest running kiddie gag show matapos ang 14 na taong pamamayagpag sa ere, nagbalik-tanaw ang aktres ng kanyang mga alaaala sa nasabing show sa pamamagitan ng pagpo-post ng lumang larawan nila noong maliliit pa sila.

You could tell sa caption ni Julia ang lungkot at pagiging emosyonal niya habang nagbabalik-tanaw.

“#KwentongBulilit samahang ndi mo makakalimutan... Dito ako nagsimulang mangarap, nabigyan ng pamilya at mabigyan ng pagkakataon....

“Utang ko sa show na ito ang lahat lalong lalo na sa Mortiz family... Ang unang pamilyang tumanggap kay “Mara” on and off cam..

“Ang batang wala namang bibo skills at mahiyain pero tinayaan ng aming Tatay na si Direk Bobot ...

“Maraming memories sa show na to na hindi mapapantayan... Maraming nabuong pangarap, maraming lesson na ndi malilimutan...

“Wag po natin kalimutan manuod ng 2 huling linggo...” ang caption ni Julia.

Nagpahayag naman ang mga netizens ng pagka-miss sa kanya sa showbiz kabilang na ang artistang si Melissa Mendez.

Paulo, Angel at Loisa, pinagkaisahan si Gerald?!

Lalong dumarami ang mga artistang nagpapahayag ng suporta kay Bea Alonzo sa hiwalayan nila ni Gerald Anderson especially after magbigay ng pahayag ang aktres na bigla na lang siyang hindi kinausap ng boyfriend.

Isa si Paulo Avelino sa latest na nagbigay ng suporta kay Bea nang mag-tweet siya last Friday ng nakaka-shock na parinig.

“Na Bea Alonzo ka na ba bes?” tweet ni Paulo saka nilagayan ng hashtag na “ghosting.”

Ang ghosting ay millennial term kung saan ang ibig sabihin ay “the practice of ending a personal relationship with someone by suddenly and without explanation withdrawing from all communication.”

Kilala si Paulo bilang tahimik na tao kaya naman nakakagulat na nag-tweet siya ng ganito na isang malinaw na patama kay Gerald and indirectly ay kinokondena niya ito sa ginawa sa aktres.

Sa comment section nga ay nagsipag-comment din ang ilang artista tulad nina Angel Locsin, Loisa Andallo at Bayani Agbayani.

Komento ni Angel na parang nagulat, Heneraaaaaal!!!!!

Sinagot naman ni Loisa ito ng “masyado si Heneral ate!!!!!!!!!”

“Reaksyon naman ni Bayani, May katapangan kang taglay He­neral.”

Marami ring natuwang netizens sa tweet ni Paulo at may nagsabi pa na follower na siya ng aktor because of this.

Pero meron din namang hindi nakagusto sa tweet dahil insensitive raw at pinade-delete kay Paulo.

May mga naghinala ring baka na-hack ang account ni Paulo dahil hindi nga raw ito ganito mag-tweet.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with