^

Pang Movies

Jane dedma sa mga before and after picture!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jane dedma sa mga before and after picture!
Jane de Leon

Matapos batiin si Jane de Leon bilang bagong Darna, nagsulputang bigla ang kanyang before and after pictures sa social media, huh!

Siyempre, naglutangan ang komento na may nabago sa mukha ni Jane at sa kulay ng balat niya. Pero dedma lang ang bagong Darna sa isyung ibinabato sa kanya ngayon.

‘Yun nga lang, hindi maipagkakailang maganda ang mukha niya. Simple pero may da­ting at karisma.

Hindi na bago ang before and after na isyu sa mga artista ngayon. Ginagawa rin ‘yan ng Hollywood stars so puwede ring gawin ng artista natin, huh!

Dito nga lang sa atin, kahit obvious nang nagparetoke ang ilang artista, deny to death pa rin talaga sila! Gayahin na lang ni Jane kung totoo ngang may binago sa mukha niya!

Ruru at Jasmine lutang ang chemistry

Dalawang araw na lang ang natitirang shooting days ng pelikula nina Jasmine Curtis Smith at Ruru Madrid under APT Enterainment.

Ang title ng movie ay Unforgetfully You at mula ito sa direksyon ni Irene Villamor.

Nang naglabasan sa social media ang litrato nina Jasmine at Ruru na nagsu-shooting, ramdam agad ng netizens ang chemistry nilang dalawa. Aminado naman ang Kapuso actor na matagal na siyang fan at crush si Jasmine.

At least, may director nang isasama sa closing credits ang movie unlike nung pelikulang Banal nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, huh!

Julia at Gerald tahimik pa rin

Sa Japan daw na-develop ang closeness nina Gerald Anderson at Julia Barretto nang sinu-shoot ang pelikulang pinagsamahan nila ayon sa isang source namin sa production.

Ngayon, dinidikdik silang dalawang ng netizens dahil dalawang tao ang kanilang nasaktan, sina Bea Alonzo at Joshua Garcia.

Matapos sumambulat ang galit ni Bea, kapwa tameme pa rin sina Julia at Gerald sa kontrobersiyang ito, huh!

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with