^

Pang Movies

OOTD sa SONA hindi masyadong maingay, Bea, Julia at Gerald mas nag-trending!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
OOTD sa SONA hindi masyadong maingay, Bea, Julia at Gerald mas nag-trending!

Parang mas nag-enjoy si Pres. Duterte sa pakikipag-jam sa Philippine Philharmonic Orchestra after ng kanyang SONA kahapon.

As in naki-jamming pa siya at nakinig sa pagtugtog ng Philharmonic at personal pa niyang inimbita sa Malacanang para sa isang fellowship habang nasa tabi niya si Sen. Bong Go kagabi.

Aminado ang pangulo sa kanyang speech na “talagang gusto ko na ring mag resign. I’m not happy anymore,” kaya siguro mas gusto naman niyang mag-chill after ng mahabang speech.

Lampas 7:00 p.m. na kahapon ay nasa Batasan pa siya at nakiki-selfie sa ibang congressman.

Hindi naman ngayon masyadong pinag-usapan ang mga sinuot ng mga rumampa sa red carpet ng SONA.

Anyway, nakaposte naman sa no. 1 trending kahapon sina Julia Barretto, Joshua Garcia and Bea Alonzo.

Ayaw tantanan ng fans / netizens ang kuwentong nakunang magkasama sina Gerald at Julia sa birthday ni Rayver. Bestfriends sina Gerald and Rayver. Si Erich Gonzales naman ang BFF ni Julia at sinasabing nakakaalam ng mga pangyayari sa buhay ng anak ni Marjorie Barretto.

Actually hindi na bago ang nasabing issue dahil noon pa nababalita na diumano’y nagkaroon ng closeness sina Gerald at Julia sa Japan habang ginagawa nila ang pelikulang Between Maybes na sadly ay hindi masyadong kumita.

vuukle comment

ERICH GONZALES

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with