^

Pang Movies

Mga pasaway sa kalsada nagsibalik na naman!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga pasaway sa kalsada nagsibalik na naman!
Manila City Mayor Isko Moreno

Matigas talaga ang ulo ng ibang mga tao, lalo na ‘yung sariling kapakanan at interes lang ang pinahahalagahan.

May balita na ilang araw matapos linisin ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga kalye na inookupa ng illegal vendors, muling bumalik sa kalsada ang mga pasaway.

Nakita ng lahat na seryoso si Isko sa clearing ope­rations sa Maynila na siya mismo ang nangu­nguna pero magiging successful ito kung makikiisa ang mga residente ng Maynila, lalo na ang mga homeless at illegal vendor na sila pa ang malakas ang loob na magalit, kahit sila ang lumalabag sa batas.

‘Sana ang buhay parang telebisyon’

Sana, kung gaano kadali ang mga pagbabago sa paligid natin, ganoon din kabilis ang solusyon sa mga nangyayari.

Sana ang buhay parang telebisyon, kapag hindi mo gusto ang pinapanood, puwede tayo na magpalit ng channel.

Kapag hindi maganda ang mga nangyayari, puwedeng i-power off.

Hanggang ngayon, nasa utak ko pa rin ang pang-aabuso at pagpatay ng isang construction worker sa one-year-old boy sa Makati City.

Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan ang tao na hindi maipalibing kaya ipinanghingi siya ng tulong.

Hanggang ngayon, ayokong isipin na muntik nang mamatay sa ginaw at gutom ang mga Pilipino na mangingisda na binangga ng Chinese vessel ang bangka na sinasakyan nila.

Ang mga nabanggit ang ilan lamang sa mga pangyayari na nagli-linger sa utak at puso na mahirap mabura at sana, hindi na naganap.

Kung minsan, naiisip ko rin, ano ang kaibahan? Bakit bawat tao, iba- iba ang mga problema. Bakit sa bawat isa, iba ang binibigay ni God na test sa buhay na hindi na natin mahahanapan ng sagot kahit kailan dahil ito ang puzzle ng buhay natin sa mundo.

Bakit ‘yung iba, parang magaan ang buhay at ‘yung iba naman, sobrang bigat ng pamumuhay?

Ang buhay, para talagang life. Daanin na lang natin sa joke dahil mahihirapan lang tayo na makita ang mga kasagutan.

Pasensya at team playing, kailangan sa buhay

Sa buhay, meron tayong mga tao na mahal na gusto natin na kasama sa trabaho.

May mga tao rin na mahal mo lang pero hindi mo puwedeng katrabaho at meron masarap na kasama sa work pero hindi mo mahal.

Lucky you kapag ang kasama mo, masarap katrabaho at mahal mo rin.

Sa dami ng mga nami-meet natin na tao, hindi lahat gusto ka, dahil may iba na mas favorite ang ibang kasama mo.

Hindi rin puwede na lahat na kasama mo, magaan ang loob sa’yo, tiyak na meron na hindi ka rin masyadong gusto kahit na gawin mo ang lahat para sa kanya.

Kapag matagal ang pagsasama n’yo, tiyak na lalabas ang ilang bagay na puwedeng maging dahilan para mag-away kayo o magkaroon ng diskusyon o pagtatalo.

Sayang kung ang matagal na pagsasama, masisira lang dahil may nangyari na maliit lang na bagay na akala mo wala lang pero malaking isyu pala sa kasama mo.

Diyan dapat pumapasok ang pasensya at team playing. Suwerte ako dahil ang mga naging kasama ko sa trabaho naging magaan at napamahal na sa akin.

Sa process nga ng pagtatrabaho, nagiging friends mo sila. Mula pa noon, nakita ko kung paano at gaano ka importante ang team playing, kung ano ang gusto ng mga kasama mo, ‘yon din ang sundin mo.

Sabihin mo lang kung ano opinyon mo pero igalang mo ang gusto nila. Enjoy your work at mga kasamahan mo dahil tiyak na magiging magaan ang trabaho mo.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with