^

Pang Movies

Daniel nagpasalamat sa pag-aalaga ni Alden kay Kathryn

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Daniel nagpasalamat sa pag-aalaga ni Alden kay Kathryn

Sinagot na rin ni Alden Richards ang tanong kung nagkausap na sila ni Daniel Padilla, ang boyfriend ng bago niyang leading lady na si Kathryn Bernardo sa Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema.

“Yes po, nagkausap na kami ni Daniel,” sagot ni Alden. “Nagkita na po kami noon ni Daniel sa Hong Kong nang nagsu-shooting pa kami doon, pero nagkahiyaan kaming mag-usap. Nagkausap po kami dito nang nagsu-shooting kami ni Kathryn, nagpunta po siya sa tent. Mabait po si Daniel. Nag-congratulate siya at nagpasalamat po siya na inalagaan ko rin si Kathryn.”

Dinudumog naman lagi ang mall shows nina Kathryn at Alden kahit saan sila pumunta. Last Saturday nga sa kabila ng malakas na ulan naroon pa rin ang mga fans sa Star Mall at Vista Mall. Last Sunday naman sa Gateway Mall at SM Masinag naman sila. Sa Saturday, sold out na raw ang tickets para sa concert nila sa SkyDome at SM North EDSA. Hello, Love, Goodbye in cinemas sa July 31. 

FYI may part 2 ang guesting nina Kath at Alden sa Unang Hirit sa GMA this morning.

Andrea natsa-challenge sa dalawang role

Aminado si sultry and versatile actress Andrea Torres, na challenging sa kanya ang dual role niya sa The Better Woman, that of playing the role ng mabait and college graduate na si Jasmine, at asawa ni Andrew, played by Derek Ramsay. Pero mas hirap siya sa pag-portray ng kakambal nitong si Juliet, lumaking walang natapos dahil kailangang buhayin ang sarili sa kahit anong paraan. May isang magandang katangian naman si Juliet, mabait siya at matulungin sa nangangailangan.

At napatunayan ni Andrea na mahirap ang role ni Juliet, dahil mas madrama ang buhay niya at hinangaan nga si Andrea last Friday evening, July 12, sa eksenang gusto na niyang iwan ang pagiging pokpok at bold dancer at sinita niya ang inang si Erlinda played by Jaclyn Jose, dahil iniwan daw siya nito noong sanggol pa siya, hindi na binalikan at naghirap sa buhay sa umampon sa kanya, kaya natutong maging masama para lamang kumita at may makain.

Tuhog ang eksenang iyon kaya puring-puri si Andrea ng mga netizens na sumubaybay sa mga eksena nang gabing iyon. Gaano kahirap kay Andrea ang pagganap sa dual role na iyon?

“Hindi po naman first time akong gumanap ng dual role, pero mabigat ito dahil nga magkaibang-magkaiba ang characters namin. Si Jasmine ay mabait, may mapagmahal na asawa pero hirap din siya dahil may sakit siya sa puso, simula pa noong sanggol pa lamang siya.

“Mahirap din sa akin kapag magkasama sa isang eksena sina Jasmine at Juliet, dahil magkaiba ang way of dressing nila, make-up at hair style kaya it took time para makatapos kami ng isang eksena. At ngayong magkasama na kami sa bahay, mas maraming eksenang magkasama kaming dalawa.  At tiyak na lalaban si Juliet kay Jasmine pagdating kay Andrew.”

Ang The Better Woman ay dinidirek ni Marc Sicat dela Cruz at napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Sahaya sa GMA-7.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with