^

Pang Movies

Anne nawala ang glamour sa pagiging ‘tomboy’!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Anne nawala ang glamour sa pagiging �tomboy�!
Anne Curtis

Wala nang kaila-ngan pang patunayan si Anne Curtis kung ang pagiging artista niya ang pag-uusapan. Matagumpay siya sa kanyang crossover mula sa TV hanggang sa movies at kinilala na rin ang kanyang magandang kontribusyon sa pelikulang Pilipino.

Pinilahan na rin ang mga nagawa niyang pelikula sa takilya, pati sa roles ay nagampanan niya na ata lahat ng karakter, at maging iba’t ibang genre na tulad ng  drama, comedy, fantasy at action ay nasubukan niya na rin.

Pinatunayan din ni Anne na hindi niya kailangan ng kahit sinong permanenteng leading man para lamang umangat, bumagay siya sa kahit kanino na itambal sa kanya.

Sa darating na Sabado, matutunghayan si Anne sa Maalaala Mo Kaya na ididirek ni Barry Gonzales sa natatangi niyang pagganap ngayon bilang isang lesbian o tomboy na hindi tanggap ng kanyang ama.

Pumayag siyang mawala ang kanyang glamour sa ngalan ng kakaibang role na ito, kaya naman lalong dapat hangaan at abangan si Anne ng kanyang fans at followers.

Kadenang Ginto matindi ang kasikatan

Talagang sinasamantala ng ABS-CBN ang kasikatan ng Kadenang Ginto, ratsada pa rin sila sa pagpo-promote kahit na masasabing established na ito.

Nag-click ang magandang partnership nina Beauty Gonzales at Dimples Romana kahit na sila ay magkaaway sa palabas. Nauna na ngang nag-trending ang karakter ni Dimples na si Romina na may hawak na pulang maleta at napunta na sa kung saan-saan. Meron na rin nito si Beauty na inaasahang makakalaban ng meme ni Romina.

Lalo pang gaganda ang KG dahil sa papasok na karakter ni Richard Yap na siyang tutulong sa karakter ni Beauty.

Sa tulong din ng Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fidelin mas lalo pang magiging kapana-panabik ang nasabing serye.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with