^

Pang Movies

Galit sa bashers natatabunan ng mga nagtatanggol!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nag-enjoy na naman ako Salve sa mga comment sa Instagram post ko at naloka ako dahil may nagtatanggol sa akin kaya nawala ang galit ko sa mga basher na hindi ko personal na kilala pero sobra kung manlait.

In fairness, hindi ko rin kilala ang tao na nagtatanggol sa akin.

Ang kalayaan ng lahat na magkomento ang freedom of expression. ‘Yun nga lang, sana medyo constructive naman ang mga reaksyon at hindi masyadong bastos ang dating.

Pero sabi ko nga, okey lang dahil bakit mo papansinin ang isang bagay na mai-stress ka lang samantalang wala naman silang maidaragdag sa buhay mo o kaya naman gusto lang sirain ang araw mo?

Ikaw pa ang malulugi dahil mahalaga ang oras mo eh wala naman yata silang mga ginagawa, jobless at nakatingin lang sa malayo dahil hindi nila maabot ang kanilang mga pangarap .

Thank you sa defender ko, very touching ang pagtatanggol niya sa akin at sure ako, you don’t only use your heart but you also use your head in analyzing people.

At sana nga, i-enjoy ng bashers ko ang mga post ko para kahit papaano, naaliw ko sila kahit mga nega ang attitude nila.

Rayver bidang-bida, parang si Derek!

Ang suwerte ni Rayver Cruz dahil siya ang nag-iisang lalake na bida sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, ang coming soon afternoon prime ng GMA 7.

Parang si Derek Ramsay lang si Rayver dahil bidang-bida rin si Derek sa The Better Woman.

Kung ang kambal na karakter ni Andrea Torres ang nag-aagawan kay Derek sa The Better Woman, sina Megan Young at Kris Bernal naman ang magkaribal sa puso ni Rayver sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Thankful talaga si Rayver sa GMA 7 dahil sa meaty and challenging roles na ibinibigay sa kanya mula nang lumipat siya sa Kapuso Network.

Sayang dahil hindi na mapapanood ng nanay ni Rayver na si Melody ang bagong  television show ng kanyang anak dahil namayapa na nga siya noong February 2, 2019.

Naniniwala si Rayver na patuloy pa rin siyang sinusubaybayan at ginagabayan ng kanyang ina, kahit nasa kabilang buhay na ito.

Si Melody ang number one fan ng mga anak niya na sina Rayver at Rodjun. Suportado niya ang lahat ng mga ginagawa ng kanyang mga anak na missed na missed na siya.

vuukle comment

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with