^

Pang Movies

Matindi talaga ang pinagdaanan buto sa balakang ni Liza ginamit na pamalit sa nabaling daliri!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Matindi talaga ang pinagdaanan buto sa balakang ni Liza ginamit na pamalit sa nabaling daliri!

May karugtong pa ang kuwento namin tungkol kay Liza Soberano. Ang kanyang huling operasyon na nangyari noong Huwebes, bale Biyernes na iyan sa oras natin, ay naging matagumpay naman. Pero hindi madali iyon. Kumuha pala ng isang maliit na buto mula sa gawing balakang niya at iyon ang ipinalit sa nabali niyang buto sa kanyang daliri.

Aabutin daw ng mga dalawang linggo ang pagpapagaling noon at natural dahil nagkaroon na nga ng infection noong una, kailangan ang dobleng ingat. Pagkatapos noon kung ok na ang lahat, at saka lang siya makakabalik sa Pilipinas para harapin naman ang mga naiwan niyang trabaho.

Isipin ninyo ang napalaking problemang pinagdaanan ni Liza dahil lamang sa isang pagkamamaling nangyari sa kanyang taping. Wala naman siyang sinisisi sa nangyari. Talagang may nangyayaring aksidente. Pero mabuti sa kaso niya, pinanagutan ng network. Aba malaking artista si Liza at hindi puwedeng pabayaan iyan.

Tungkol naman doon sa nag-blog na buntis siya, maging ang tatay ni Liza na si John Castillo Soberano ay nagsabing hindi niya tinatanggap ang apology na ginawa ng isang nagngangalang si Kapitana Sisa, na ang pangalan ay Glenn Dy sa totoong buhay. Ang desisyon ng tatay ni Liza, magdemanda talaga.

Ganoon din naman ang naging desisyon ng manager ni Liza na si Ogie Diaz na nagsabing ang apology ay “hindi katanggap-tanggap”. Kaya nga raw makikipag-usap na sila sa kanilang abugado bukas, Lunes, para maihanda na ang complaint sheet na kanilang ihaharap sa piskalya laban kay Dy.

May “sources” daw naman siya at mayroon siyang choice na huwag idamay ang kanyang sources at akuin ang problema o sabihin na niya kung sino ang nagtsismis sa kanya, pero hindi nangangahulugan iyon na ligtas siya sa kaso. Hihintayin natin kung ano ang kalalabasan niyan sa korte.

Ate Vi todo-pasyal sa Korea

Enjoy si Ate Vi (Vilma Santos) sa ginagawa nilang bakasyon, kasama ang buong pamilya sa South Korea. Ang sinasabi kasi niya, basta nasa abroad siya, nagagawa niya ang lahat ng gusto niyang pamamasyal na hindi niya nagagawa sa Pilipinas simula pagkabata niya. Isipin ninyo, maliit pa bata pa si Ate Vi, artista na. Alam naman ninyo sa Pilipinas, saan man makita ang isang artista pinagkakaguluhan.

Kaya nga enjoy din siya kung nasa Batangas kasi nakaka-ikot siya sa mga barangay pero may security pa rin. Eh doon sa abroad, kasama lang niya ang kapatid niya at mga pamangkin o kung sino man, nakakapag-ikot sila nang malaya sa malls. Nakakabili ng ice cream sa kung saan at nakakain iyon habang namamasyal. Eh dito ba sa Pilipinas magagawa niya iyon sa kahit na anong mall?

Naalala nga namin minsan, naglakas-loob si Ate Vi na pumasok sa isang mall na upscale naman kaya akala niya ok lang, eh pagdating doon pinagkaguluhan din naman siya, lumabas siya ulit.

Aktor hindi nakatagal sa Japan, balik-bayan para magtayo ng talyer

Nagbalik na pala mula sa Japan ang isang dating hindi sumikat na aktor. Akala niya noon magagawan ng paraan na makapag-trabaho siya roon dahil may mga connection daw naman doon ang kanyang asawa ngayon na dating asawa ng isang Japanese. Kaso hindi rin yata nagawan ng paraan. Nagbalik siya sa Pilipinas at magbubukas na lang daw ng isang talyer ng kotse. At siyempre kung medyo “kakapusin para sa luho” madali naman niyang tawagan ang kanyang kaibigang si direk, na tiyak na tutulong naman.

Hanggang ngayon naman pala ay “matalik” pa rin silang magkaibigan. Siyempre ang magkaibigan nagtutulungan sa “pangangailangan” ng isa’t isa

 

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with