^

Pang Movies

Jennylyn nairaos ang pagho-host na mag-isa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jennylyn nairaos ang pagho-host na mag-isa

Kayang-kaya nang mag-host nang solo ni Kapuso Ultimate Actress Jennylyn Mercado ng original reality artista-search na Starstruck. Halata ang nerbyos ni Jennylyn last Saturday and Sunday evening, nang siya lamang mag-isa dahil si Dingdong Dantes ay guest sa Pinoy Fiesta na ginanap sa Toronto at Vancouver, Canada last weekend.

Napanood na ang first challenge ng seven pairs ng Final 14 at hindi natuloy ang kinatatakutan nilang elimination, sa halip ay ini-announce ni Jennylyn ang twist, na nagbigay sila ng second chance sa six hopefuls na natanggal. Next weekend, lalaban silang anim at kung may matatanggal sa Final 14, silang dalawa ang papalit at bubuo sa bagong Final 14.  Kaya dalawa or one pair among the Final 14 ang matatanggal next weekend.

Napaiyak si Starstruck Council Cherie Gil, dahil ipinakiusap pala niyang bigyan ng second chance iyong mga natanggal dahil sayang daw naman kung hindi mabibigyan ng chance. Kaya natuwa siya nang pinagbigyan daw ang request niya. 

EB ibabalik ang Little Miss PH

Kahapon ay nagsimula na ang 40th year celebration ng Eat Bulaga. July, 1979 nagsimulang magbigay ng saya ang mga Dabarkads na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at nadagdagan na ito ng iba pang Dabarkads sa pagdaan ng taon. 

Sa ngayon, ang Dabarkads ay binubuo nina Bossing, Joey, Jimmy Santos, Anjo Yllana, Ruby Rodriguez, Allan K, Pia Guanio, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna (nice to see her back after several weeks na wala), Ryan Agoncillo, Alden Richards, Maine Mendoza, Luane Dy, Kenneth Medrano, Ryzza Mae Dizon at Baeby Baste.  Isa pala sa most loved contests sa EB ang Little Miss Philippines kaya special guest nila si Aiza Seguerra na kilala na ngayon bilang Ice Se­guerra, na hindi pa rin nagbabago ang magandang boses.

Nag-announce na si Bossing Vic Sotto na simula ngayong July, magkakaroon muli ng Little Miss Philippines contest at pwede nang mag-apply ang mga batang babae from 7 years old and below  sa APT Studios.

Angel tinukso sina Kathryn at Daniel

Matapos mag-congratulate ni Kathryn Bernardo sa engagement ni Angel Locsin at Neil Arce, na sinagot ni Angel kung sila na raw ba ni Daniel Padilla ang susunod, maraming fans ang nagsabing sana nga raw ay sumunod na sina Kath at Daniel na seven years na rin ang relasyon.

Bago nga simulan ang shooting nila ni Alden Richards ng Hello, Love, Goodbye, nagbakasyon pa sila ng ilang araw sa Morocco.  Naka-tag pa sa comments nila si Mommy Min ni Kath na payagan na raw magpakasal ang kanilang mga idolo.

Pero mukhang malabong pumayag ang parents nina Kath at Daniel dahil they are still very young, Kath is only 23 at si Daniel is only 24.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with