^

Pang Movies

Pelikula ng KathDen, Dawn at Bitoy apektado sa bagong sked sa mga sinehan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pelikula ng KathDen, Dawn at Bitoy apektado sa bagong sked sa mga sinehan
Kathryn at Alden

Kasama na sa circular ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na baguhin ang opening ng mga pelikula from Wednesday to Friday ang showing ng Family History na may July 24 showing at Hello, Love, Goodbye na July 31 ang showing.

Ang Family History nina Michael V at Dawn Zulueta, posibleng iurong sa July 26 ang showing at ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, baka sa August 2, na ang showing.

Wala pang advisory ang GMA Pictures at Mic Test Entertainment, ganu’n din ang Star Cinema. Ang in-announce pa lang ng Star Cinema ay ang Grand Fan Meet at launching ng movie merchandise sa June 29, 6pm., sa South Park Alabang. Bukod kina Kathryn at Alden, darating din sina Maymay Entrata, Kakai Bautista at Joross Gamboa.

Janella ayaw nang makita ang mga ginagawa ni Marco

Friendship over na ba sina Janella Salvador at Marco Gumabao? Nagtatanong ang netizens dahil in-unfollow daw ni Janella si Marco sa Instagram (IG). Matatandaang bago ma-link si Janella kay Markus Paterson, na-link muna siya kay Marco.

Natatandaan namin, nabalitang nakitang magka-holding hands sa isang event sina Janella at Marco ilang araw after ng break-up nina Janella at Elmo Magalona. Hindi na nasundan ang sightings sa da-lawa dahil pumasok na sa eksena si Markus.

SS may ligwakan agad

Kapapakilala pa lang ng GMA 7 sa Final 14 ng batch 7 ng Starstruck, may tanggalan na agad na mangyayari this week. Kundi, Saturday ay Sunday mangyayari ang tanggalan at dalawa ang mababawas sa Final 14.

Kaya sabi ng mga reporter na nasa mediacon ng SS dapat masulat na nila ang Final 14 dahil next week, 10 na lang sila. Baka raw ang hindi pa nila nasulat ang maaalis.

Anyway, isa sa favorite ng press sa Mediacon si Abdul Raman sa mga lalake at si Dani Porter sa mga babae. Marami rin ang nag-interview kay Jeric Dolormente na look alike ni Alden Richards at sa mga babae, sina Rere Madrid na sister ni Ruru Madrid at Pamela Prinster na dati nang lumabas sa shows ng GMA-7.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with