^

Pang Movies

Aga, Piolo at Empoy magsasama sa pelikula

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Aga, Piolo at Empoy magsasama sa pelikula

Inalala ni Aga Muhlach na nakasama niya sa dalawang pelikula si Eddie Garcia, kung saan parehong ama niya ang role nito.

Teenager pa siya noon (he’s turning 50 on August 12).

In any case, ang unang pelikula ay ang Erpat Kong Forgets, filmed in 1984 kung saan nakasama niya sina Janice de Belen, Carmi Martin at Tessie Tomas.

Hindi matiyak ni Aga kung si Jose Carreon ang nagdirek ng movie. Basta, ang natatandaan niya, si Carreon ang sumulat ng story and script.

The following year, 1985, nagsama silang muli sa Miguelito, Batang Rebelde, with the late noted and award-winning director Lino Brocka at the helm.

Miguelito also starred Gloria Romero at ang nasirang si Nida Blanca.

“Bata pa man ako noon, hanga na ako sa husay umarte ni Tito Eddie. Ang bait niya rin.

“Kaibigan ang turing niya, kahit sa helper ng produksiyon. At nakakahawa ang kanyang kabaitan at galing ma­kisama.”

Aga was shooting for a new endorsement, kasama muli, of course, ang kanyang pamilya, when he received the report, Thursday, na binawian na ng buhay si Eddie.

The exact time of his death, Aga was told, was 4:45 p.m.

“I’m sad na ‘di na natin siya kapiling,” susog ni Aga. “Nonetheless, nagpapasalamat ako na ‘di siya gaanong naghirap. At hindi rin niya pinahirapan ng gaano ang kanyang mga mahal sa buhay.

“Na tutok sa kanya, hanggang sa siya’y namaalam.

“Let’s just pray that he is now in peace resting. Kasama ang Mahal nating Panginoon,” patuloy pa ni Aga.

Samantala, nabanggit din ni Aga na may gagawin siyang pelikula kasama sina Piolo Pascual at Empoy Marquez, at si Joyce Bernal ang magdidirek.

From a source, we learned na galing ng Amsterdam sina Piolo at direk Joyce, obviously for a “look-see” of the place lang.

From there, the source continued, Piolo proceeded to Italy, where he will enroll, if he has not yet enrolled, in a film school, for a crash course in film making.

Balitang susunod kay Piolo sa Italy ang anak na si Iñigo.

The How’s of Us mapapanood na sa Cinema One

May idea ba kayo kung gaano na katagal ang Cinema One, itinuturing na first locally produced channels in the Philippines?

“Twenty five long years lang naman,” ani Ronald Arguelles, ang channel head.

Marami raw magandang pagbabagong nagaganap sa itinutu­ring na champion ng Philippine Cinema. May bago itong theme song, ang Laging Kasama, performed no less by matinee idol Daniel Padilla.

Mayroon na rin itong music video na mapapanood sa Cinema One’s YouTube channel.

A “must-watch” na handog ng Cinema One for its viewers is the premiere of The Hows of Us, considered the highest grossing film ng bansa ever.

Ang pelikulang mapapanood sa June 30 (Sunday) ay tinatampukan ng phenomenal tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Watch din daw natin, according pa rin kay Ronald, ang maraming magandang pagbabagong nagaganap sa kanilang programming, which will include sa patuloy na pagpapalabas ng mga classic at contemporary Pinoy films, and the production ng mga local magazine shows, tulad ng Cinema News, Persona at Cover Story.

Well, good luck, Ronald.

Dating matinee idol at male singer tuloy ang relasyon

Guess what, Salve A., patuloy pa rin daw ang lihim na ugnayang namamagitan between a former matinee idol and dapat sana’y sikat nang singer ngayon.

In both of them, obviously napatunayang may “true love” na puwedeng mamagitan between two na pareho ang gender.

Both have other na ‘pinagkakakitaan,’ which earn them more than enough. Well, individually.

Clue?

Well, soon, Salve A., you would know who they are.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with