^

Pang Movies

Patuloy na humihingi ng panalangin...

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ayaw naming magkuwento nang hindi naman namin nakikita mismo, kaya nga buong maghapon ay nanahimik lamang kami tungkol sa kaso ng actor na si Eddie Garcia. Puro kasi ispekulasyon, at wala namang official na medical bulletin. Natural lang naman iyon, siya ay nasa isang pribadong ospital at maliban kung papayag ang pamilya, hindi sila magbibigay ng anumang pahayag sa kalagayan ng actor.

Noong bandang hapon, sinasabing nagkamalay na siya, at mabilis siyang inilipat sa Makati Medical Hospital mula sa Mary Johnston Hospital sa Tondo kung saan siya unang isinugod. Noon lang din lumabas ang statement ng kanyang pamilya na nagsasabing siya ay nasa isang kritikal na kundisyon pa rin, at humihingi pa rin sila ng mga panalangin.

Maliwanag iyon, nagawa ng unang ospital na pinagdalhan sa kanya ang lahat ng dapat nilang gawin.

Pero doon nga sa ospital na pinaglipatan sa kanya, mas kumpleto ang facilities, mas convenient para sa pamilya niya, at naroroon ang mga doctor niya na nakakaalam ng history ng kanyang sakit. Importante iyon.

Hindi pa natin alam kung ano ang gagawin ng kanyang mga doctor. Naghanap kami, at nakita namin ang actual footage ng taping kung saan bumagsak ang actor. Nagbabarilan sa isang eksena, nakita siyang lumalakad papunta sa gitna ng kalye, hawak ang isang baril. Ibig sabihin kasama pa siya sa eksena. Habang naglakad, bigla siyang bumagsak, kaya nagkagulo na ang mga tao para siya tulungan.

Siguro kung may masama na siyang nararamdaman, hindi na niya gagawin ang eksenang iyon. Pero nangangahulugan iyan na bigla ang atake, siguro isa nga ang init sa mga factors kaya nangyari iyan. Pero iyang atake sa puso, hindi talaga bigla. Nagbi-build up iyan. Posible ring may iniinda na iyang si Manoy pero hindi niya sinasabi. Gusto siguro niyang tapusin ang taping.

Iyong huli naming nakuhang impormasyon mula sa ospital, medyo ok naman daw ang kalagayan niya, pero hindi pa rin masasabing nakaka-recover na siya.

Finally... Sarah at Richard pakakasal na

Magandang balita naman iyong narinig namin na nagbabalak na palang magpakasal finally sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Matagal na rin naman silang nagsasama. Dalawa na ang kanilang anak. Siguro naman sa ngayon, masasabi na nilang sigurado na sila sa kanilang sarili.

Nasa tamang edad na rin naman sila para magpakasal. Siguro naman kahit na papaano masasabing matibay na rin ang kanilang kinabukasan at hindi umaasa lamang sa kanilang career bilang mga artista. Isa pa, magpakasal man sila, hindi naman maaapektuhan ang career nila.

Nakakatuwa iyang ganyan, na inilalagay nila sa ayos ang kanilang buhay. May iba na kung magsalita iyang kasal ay “kapirasong papel lamang”. Pero iyang kasal ay isang responsibilidad sa inyong pamilya at sa inyong kinabibilangang lipunan.

Mas tama talaga iyang magpakasal kung wala namang ibang dahilan para iwasan iyon, lalo na at may mga anak na ngang kailangang pangalagaan. Mas dapat isipin ang responsibilidad na kasama sa isang relasyon, kaysa roon sa kung anu-anong paniniwala lamang.

Hindi naman kailangan ang isang magarbong kasal, pero kung sina Richard at Sarah nga iyan, imposibleng hindi maging bongga iyang kasal nila.

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with