^

Pang Movies

Lorna may pa-meet and greet, parang bumalik sa pagiging young star

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Lorna may pa-meet and greet, parang bumalik sa pagiging young star

Bongga ang Beautederm ni Rhea Tan dahil sa opening ng bagong branch nito sa City Mall Davao City sa June 28, 4 pm.

Dadalo sa grand opening ng Beautederm Davao branch ang mga celebrity endorser na sina Lorna Tolentino at Ken Chan.

Isasama ni LT sa Davao ang kanyang mga anak na sina Rap at Renz. Join din sa opening ng Beautederm ang BFF ni Rhea na si Shyr Valdez.

Maraming salamat kay Rhea dahil sa pangako nito na maglalagay siya ng ad sa Take It... Per Minute! Me Ganun.

Palaki nang palaki na talaga ang Beautederm dahil halos lahat ng major city, may mga branch na talagang pinupuntahan ng  ambassadors of beauty nila.

Naloka nga ang Ang Probinsyano staff nang malaman nila na may meet-and-greet si Lorna na tuwang-tuwa dahil ibang experience naman ang gagawin niya.

Parang young star si LT di ba? May meet-and-greet kasama si Ken kaya thank you so much Rhea.

Rodjun at Dianne two years pinlano ang kasal

Sa December 21, 2019 na pala ang kasal nina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

More than two years ang pagpaplano nina Rodjun at Dianne dahil October 2017 nang mag-propose ang aktor sa girlfriend niya.

Month of December din ang napili na altar date nina Eat Bulaga co-host Luane Dy at Carlo Gonzales pero sa 2020 pa. Balak nina Luane at Carlo na magpakasal sa December 8, 2020.

Alden ipapalit sa nilayasang show ni Regine

Ipapakilala na bukas ang mga host, council members at contes­tants ng Season 7 ng Starstruck, ang reality-based artist search ng GMA 7.

Mabibigyan na ng chance ang entertainment press na makilala nang personal ang mga future star ng showbiz.

Libu-libo ang mga sumali sa nationwide auditions ng Starstruck pero piling-pili ang mga nakapasa as in mga star material talaga sila.

May tsismis na si Alden Richards ang ipapalit kay Regine pero wait na lang tayo sa official announcement ng Kapuso Network. Bagay rin na host ng The Clash si Alden dahil bukod sa kumakanta, hasang-hasa na rin siya sa Eat Bulaga at Sunday PinaSaya.

Sino ang mag-aakala na hindi nakapasa si Alden sa Starstruck noong 2009?

Mapaglaro talaga ang kapalaran dahil kung sino pa ang hindi naging contestant ng Starstruck, siya pa ang naging big star at in demand actor?

Kaya naman very thankful si Alden sa Diyos dahil sa mga biyaya na ipinagkaloob sa kanya. May mga duda rin na patuloy na sinusubaybayan si Alden ng nanay nito na sumakabilang-buhay kaya natupad ang mga pangarap niya.

Noong nabubuhay pa ang nanay ni Alden, ito ang masidhi ang pangarap na maging artista ang kanyang anak.

‘Yun nga lang, binawian ng buhay ang ina ni Alden bago naging big star at bankable actor ang anak niya.

I’m sure, kung nasaan man ngayon ang nanay ni Alden, maligayang-maligaya ito sa mga magagandang nangyayari sa career ng kanyang anak.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with