^

Pang Movies

Pia gulat sa energy ng mga kasali sa Binibini

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pia gulat sa energy ng mga kasali sa Binibini
Pia Wurtzbach

Pinagmamalaki ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang latest batch ng Binibi-ning Pilipinas candidates.

Sobrang proud daw siya dahil ramdam niya ang competition nila sa isa’t isa at handang-handa na raw sila sa pageant.

Kinilala raw ni Pia ang lahat ng candidates at pakiramdam niya ay may ilan na mananalo ulit sa international pageants.

“Although I haven’t memorized all their names, tsaka ‘yung probinsya nila, aware naman ako. Ang daming magaganda ngayon.

“Malakas ang batch ngayon and I feel they are beyond prepared. 

“Everybody looks good, everybody speaks well, lahat may advocacy, parang napaghandaan talaga. At lahat may pasabog na pictures ha,” sey pa ni Pia.

Natutuwa si Pia tuwing pageant season sa Pilipinas dahil hindi nawawala sa kanyang alaala ang tatlong beses niyang pagsali sa Bb. Pilipinas bago siya nakoronahan bilang ikatlong Miss Universe ng bansa. 

Ang kaibahan daw ng mga candidate ngayon, sobra raw silang masipag mag-post ng photos nila on social media.

“Every day may ‘oh bago na naman’ na photos. I’m thinking like, ‘Where do they have the time to take these pictures?’ Parang hindi sila napapagod.

“Because when I was competing, pagod na pagod ako at wala akong time mag-glamor shots. Competitive na kasi talaga ngayon.

“That is good kasi doon mo makikita kung sino ang pursigido na manalo ng title,” pagtapos pa ni Pia.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with