^

Pang Movies

Heart puno ng pasa at mga sugat sa shooting sa China!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naawa ang higit na 3.6 million followers ni Heart Evangelista-Escudero nang i-post nito sa kanyang Instagram Stories ang mga kamay niyang puro pasa at sugat.

Nagsu-shoot kasi ng isang action movie si Heart sa China ngayon at dahil sa mga mabibigat na eksena kaya nadale ang mga yayamaning kamay niya.

Sanay ang netizens na makita na well-manicured at makulay ang nails ni Heart sa mga IG post niya. Pero sa pagkakataong ito, black and blue ang kanyang mga kamay at duguan ang ibang daliri niya.

Sa isang IG post ni Heart: “How I spend my mornings before all the madness on set,” ay napansin na ng isang netizen na bandage na sa kanyang kamay.

Kaya noong mag-post na si Heart sa IG Story, nakita ng malapitan ang mga sugat sa mga kamay at daliri.

“First time to be this violent… ‘di ko bet. Hindi maganda sa pictures,” caption pa ni Heart.

Miguel at Bianca todo sa promo

Kahit na hindi nakarating sa pa-block screening ng fans ni Miguel Tanfelix sina Bianca Umali at Kim Last, masigasig naman ang dalawa sa pag-promote ng horror film nilang Banal.

Kapwa parehong busy sina Bianca at Kim sa gabi ng Banal block screening sa SM Light Mall kamakailan, pero bumawi naman ang dalawa dahil super-promote naman sila sa social media platforms ng GMA-7.

Ayon naman kay Kim, ang paraan ng pananakot ng pelikulang Banal ay psychological kaya maraming unexpected na magaganap sa mga eksena.

First horror movie nga ito ng BiGuel loveteam na napapanood sa primetime series na Sahaya. Kahit na subok na ang loveteam nila, nandyan pa rin daw ang pressure sa bawat project na gawin nila.

Kenny Rogers isinugod sa ospital dahil sa dehydration

Nag-worry ang maraming fans ng country legend na si Kenny Rogers dahil sa pagkakaospital nito kamakailan sa Georgia.

Ayon sa Twitter account ng 80-year old country singer, he was treated for dehydration at mananatili siya sa ospital to complete some physical therapy to get his strength back.

Thankful naman daw si Kenny sa concern and well wishes he has received from his fans and can assure everyone he plans on sticking around through the years to come.

Last year ay napilitan si Kenny na mag-pullout sa kanyang farewell tour dahil sa ilang health problems.

Dahil sa kanyang kalagayan ngayon, masaya si Kenny dahil nasa tabi niya ang kanyang wife na si Wanda Miller at ang 13-year old twin boys nila.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA-ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with