^

Pang Movies

James naiiwanan na ni Nadine?!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
James naiiwanan na ni Nadine?!
Nadine Lustre

Ratsada si Nadine Lustre ngayon, hindi nito ipinamamahala lang sa suwerte ang karera niya, lalo na ngayong pinaghihiwalay sila ni James Reid. Talagang nag-i-effort siyang maiangat ang sarili, kahit nag-iisa.

‘Di lang siya best actress ng FAMAS para sa Never Not Love You, nominado rin siya ng Star Awards, para sa nasabing pelikula at kategorya. Mabigat ang pagkakapanalo niya sa MYX ng ilang awards -Video of the Year (Stay Up), Artist of the Year, Media Sound of the Year at Female Artist of the Year. Hindi na mag-aalala si James na baka maiwan niya ang ka-loveteam. Mas mag-alala siya na baka siya ang mapag-iwanan nito.

Seth Fedelin maraming ka-look alike

Look alike talaga sina Seth Fedelin at Daniel Padilla, at kung meron din ang Pinoy Big Brother housemate ng suwerte ng Teen King, masusundan niya ang bakas nito. Maganda ang pagkakataon na ipinagkaloob ng Kapamilya Network kay Seth at i-pinareha kay Andrea Brillantes. Mabilis ang naging pag-asenso nito, naunahan pa niya ang mga napiling Big 4 ng PBB at nakabilang sa Gold Squad na sina Francine Diaz, Kyle Echari at Andrea.

Mahahatak nila si Seth paitaas dahil maganda ang role niya bilang Mikoy sa Kadenang Ginto. Marami sa manonood ang nakakapansin na bukod kina Seth at Daniel ka-look-alike din nila si Lucho Agoncillo, anak nina Ryan at Judy Ann Santos-Agoncillo. Para silang anak at kapatid ni Ryan.

Jean Saburit humahabol kina LT at Dimples

Idinagdag sa mahabang listahan ng mga babaeng kontrabida ang pangalan ni Jean Saburit. Sumusunod siya kay LornaTolentino at Dimples Romana bilang pinakabagong Kapamilya kontrabida. Nauna lang sa kanya si LT dahil nagkontrabida na ito sa Asintado nina Julia Montes at Paulo Avelino. At ngayon ay salbahe na naman ang role niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Si Dimples naman ay kasalukuyang umaani ng galit ng manonood sa Kadenang Ginto. Si Jean na dating Bb. Pilipinas ay bagong magpapahirap ng buhay ng mga Bastardos na sina Jake Cuenca, Joseph Marco, Albie Casino, Marco Gumabao at Joshua Colet at lalo na ni Don Ramon Cardinal (Ronaldo Valdez).

Lahat ng manonood ng serye ay umaasang mapapangatawanan ni Jean ang pagiging isang kontrabida na pinagreynahan nina Celia Rodri­guez, Bella Flores, Cherie Gil, Princess Punzalan, Gladys Reyes, atbp.

Jodi napalitan ng trabaho ang kawalan ng lovelife

Ratsada rin si Jodi Sta. Maria sa kanyang showbiz career. Ang dami-dami niyang proyekto, ewan ko lang kung bakasyon din siya sa kanyang pag-aaral.

Siguro nga dahil nakapagbakasyon sila ng anak niyang si Thirdy sa Taipei.

Matapos niyang magawang ‘di mapag-iwanan ng mga magagaling at sikat niyang co-stars sa humihirit nilang serye na Sino Ang May Sala, Mea Culpa na sina Agot Isidro, Janice de Belen, Ayen Laurel, Jay Manalo, Bela Padilla, Tony Lab-rusca, Kit Thompson at Sandino Martin, sabak naman sa isang horror flick si Jodi. Ito ang Clarita na sinasabing pinakamagaling niyang performance bilang aktres at magbibigay sa kanya ng grand slam awards sa mga darating na awards derby. Nagsisilbing inspirasyon sa marami ang aktres na bukod sa isang single mom ay magagawa pang makapag-aral ng pagdudoktor. Ito marahil ang kapalit ng kawalan niya ng lovelife?  Tsk. Tsk. Tsk.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with