^

Pang Movies

Bong natulungan ng hindi pagpapa-interview

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bong natulungan ng hindi pagpapa-interview

Milyun-milyon ang views ng Budots memes ng campaign material ni Bong Revilla na base sa nagaganap na bilangan ay nasa no. 10 pa rin sa mga nanalong senador.

Malakas talaga ang naging impact ng nasabing Budots na ngayon ay super hit na uli. Naging uso na ito noon at nawala na pero pinauso uli ni Bong.

Slang for tambay ang ibig sabihin ng budots kaya siguro maraming naka-relate. Mga tambay ang unang nagpauso ng Budots.

Sa mga video kasi talagang makikita mong nagsasayawan ang mga tao sa mga lugar na pinupuntahan ng actor-politician.
Saka siguro malaking tulong na walang pinagbigyang interview si Sen. Bong.

Balitang maraming kaibigan niya sa media ang nagtampo  dahil nga hindi niya pinaunlakan ng interview kasama na raw si Mr. Mike Enriquez.

Sa buong kampanya nga ay hindi siya nagpa-interview at laging si Mayor Lani Mercado lang ang humaharap sa media.

Restaurant nina Juday at Ryan nasairan ng supplies

Mukhang maagang makakabawi sa kanilang puhunan ang mag-asawang Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo sa bago nilang negosyong kainin.

Kahapon ay nagsara muna sila ng kabubukas lang na restaurant para mag-replenish ng mga supply sa kitchen. Nasaid daw talaga dahil sa rami nang dumagsa sa kanilang soft opening.

Kilalang mahusay magluto si Juday at naglabas pa nga siya dati ng cookbook.

Saka tama rin ang location nila na sa mas mataong lugar kesa dun sa mga lugar na iilan ang dumadaan.

Maraming celebrity na ang nag-invest sa mga fine dining restaurant pero marami ring nalugi dahil mahal ang per order at hindi gaanong tinatao dahil sa alanganing lugar.

Eh yung kila Juday nasa Taft Avenue lang, malapit sa mga maraming eskuwelahan at daanan ng santambak na tao. At pang ordinary lang ang presyo.

 

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with