^

Pang Movies

Aktres na papansin sa social media, walang napapala

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Aktres na papansin sa social media, walang napapala

May mga artistang kahit anong gawin sa social media, walang pumapansin. Tulad ng isang aktres na in all fairness ay maganda naman ang mga post niya pero dedma ang karamihan. Wala silang pakialam. 

I’m sure umaasa rin siyang magpi-pick up sa mga post niya, pero sadly nganga siya.

Malinaw na malinaw na sign na matamlay ang career niya.

Bianca sunud-sunod ang suwerte sa career

Uy samu’t-saring papuri ang natatanggap ng Kapuso actress na si Bianca Umali sa kanyang pinagbibidahang GMA Telebabad series na Sahaya. Marami ang naantig sa kanyang pagganap bilang isang Badjaw na matayog ang pangarap sa buhay.

Bukod sa well-loved primetime series, malapit nang mapanood si Bianca sa family movie na Family History. Dito, makakasama ng young actress ang Kapuso comedy genius na si Michael V na siya ring writer, direktor, producer, at isa sa mga gaganap sa pelikula. “I am very thankful na hindi naman lahat ng mga katulad ko na nangangarap ay nabibigyan ng pagkakataon na makarating kung saan man ako ngayon at magawa ‘yung nagagawa ko,” ayon kay Bianca. “Knowing Kuya Bitoy and knowing how he works and how he thinks, I was excited to see and be part of this adventure.” Malapit nang mapanood ang Fa­mily History sa cinemas nationwide!

Si Dawn Zulueta ang leading lady ni Michael V. sa Family Hitsory.

Ka Tunying bibida sa ‘Kuha Mo’

Hihimayin ni Anthony Ta­berna ang iba’t ibang eksenang nahagip ng kamera sa Kuha Mo!, ang pinakabagong programa ng ABS-CBN na mapapanood na ngayong Sabado (Abril 27) pagkatapos ng SOCO.

Tampok sa Kuha Mo! ang iba’t ibang pambihirang video na sinumite ng mga nakaranas at nakaligtas sa mga aksidente, kalamidad, at krimen. Gamit ang mga video mula sa cellphone, CCTV, security, at dashboard kamera, layunin ng programa na hikayatin ang mga taong maging alerto at maingat, pati na rin mag-malasakit sa panahon ng aksidente.

Ayon kay Anthony, na kilala rin bilang Ka Tunying sa ilang taon niya bilang news anchor at commentator sa radyo at TV, gagamitin ng programa ang teknolohiya upang ipakita ang krimen o aksidenteng nangangailangan ng aksyon mula sa kinauukulan para sa kaligtasan at kaalaman ng lahat.

“Walang saysay ang teknolohiya kung hindi mo alam ang gagawin mo sa mga sitwasyong ito at hindi ka nakialam kapag naging saksi ka sa mga sakuna.”

Sa unang episode, tatalakayin ang mga madalas at hindi pang-karaniwang aksidente sa daan, katulad ng salpukan ng truck at motorsiklo, pagsabog ng fire extinguisher, at ang pagdulas sa kalsada ng orange safety barrier mula bangketa.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with