^

Pang Movies

Baguhang aktres feeling sikat, nang-away ng senior actress

Joe Barrameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kakaloka ang starlet na ito. Kabagu-bago ay umakyat na sa utak ang pagiging artista. Akala siguro niya ay sikat na sikat na siya.

Sobra raw ang demand at maraming kaartehan. Sa isang teleserye kung saan kasama siya ay may hindi nakasundong production staff na dahilan para mawalan ng trabaho ang pobreng staff. Maski isang senior na award winning aktres ay binastos daw nito. Mabuti hindi siya pinatulan nito. Huling balita namin ay tinanggal na rin ang starlet sa isang weekly show dahil sakit din ng ulo sa show. Kaloka!!!!

Dingdong inulan ng papuri

Full of praises at pasasalamat ang natanggap ni Dingdong Dantes sa big bosses ng GMA 7 sa p­agre-renew ng contract niya sa GMA. Pinaghandaan ni Dingdong ang contract signing na ito na bago lahat ang suot sa okasyong naganap.

Maski ang SVP for GMA Entertainment na si Lilybeth G. Rasonable ay lalong impressed kay Dingdong nang nakipag-dinner sa kanya at tinanong siya kung ano pa ang puwede niyang ibigay sa network.

Naiyak si Dingdong after mapanood ang inihandang video presentation ng GMA para sa kanya. Lalo na nung ipinahayag na siya ang lead actor sa Descendants of the Sun.

Twenty-one years na pala siya sa GMA.                               

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with