^

Pang Movies

Gina nawala ang katarayan sa press people

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Gina nawala ang katarayan sa press people
Gina

Hustong 40 years nang mamamayagpag sa telebisyon ang noon time show na Eat Bulaga.

Sa 40 years na ‘yun, frst time kong makapanood ng kanilang Lenten special.

Kapuri-puri ang set ng istorya kung saan sa Japan ang setting. Itinaon na season ng cherry blossoms kaya naman lalong nag-bloom ang set.

Nakakaiyak na nakakatawa naman ang episode na pinagbidahan nina Wally Bayola, Pia Juanio, Joey De Leon, Baby Baste at iba pa.

Napanood ko rin si Gina Pareño na senior citizen na pero hindi mo mababakas sa mukha. Makinis ang skin niya at flawless.

Isa siya sa star ’66 ng Sampaguita Pictures at take note, standing ovation pa rin ang kanyang boobs. Sa totoo lang kundi ako nagkakamali, isa siya ang artista ng Sampaguita pictures na may malaking boobs.

That time rin ay medyo isnabera si Gina sa press people. That time hindi lahat ng movie reporter ay type niya. e noon, ang mga popular manunulat ng mga artista at pelikula ay sina Ernie Sioco, Helen Yoingco, Estela Alfon, Mr. Mario Mijares, Alfonso Sijuco, Danny Villanueva, Mr. Flores at marami pang iba. Syempre hindi ko na ma-recall ang nga name kasi nga mga bagong bukadkad pa lang kami noon.

First time pa nga kami nagkakilala ni Lolit Solis na nag-iirapan kami hanggang sa nag-away at nagsabunutan.

Back to Gina, sa tumagal-tagal nawala ang katarayan niya at naging good ka-friendship ng more press. ‘Yun lang! Samantala, very proud si Gina dahil sa magandang role niya sa teleserye ng GMA 7, ang Kara Mia.

Isa pang feeling blessed ay si Sylvia Sanchez dahil hindi siya nababakante sa TV series at mga guesting ng Kapuso at ang ikinatuwa niya, pag may out of town shows napapasama siya, either na nagsasayaw siya, kumakanta o nagkokomedya.

Kaya kapag nasa bahay siya, inaasikaso niya ang kanilang family business na kainan.

Happy Birthday…

Belated happy first birthday, April 19 kay Niño Jose Coquia, anak nina Joey at Maricel Coquia.

vuukle comment

GINA PAREñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with