^

Pang Movies

Zsa Zsa napatawad na ang ‘Japanese guy’ na naging ‘mister’

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi talaga biro ang nangyari kay Zsa Zsa Padilla na ikinasal pala siya without her knowledge sa isang Japanese guy named Shigemi Nabehigashi. Na-annul na ang kasal last April 6 kaya naman marahil ibinunyag na ito ni Divine Diva but still, nakakaloka pa rin na nangyayari ito sa ating bansa. Imagine the hassle (not to mention the money na nagastos) na pagdadaanan mo para ipa-annull ito gayung hindi naman dapat ito mangyari.

Good thing, ani Zsa Zsa sa latest post niya kahapon sa Instagram ay pinatawad na niya kung sino man ang may pakana ng fake marriage na ‘yun na hindi naman niya tinukoy kung sino.

“I realized anger eats you up. Ikaw ang affected and deadma lang yung tao na gumawa sa iyo ng kasalanan. Kaya tama na magpatawad at gawin ito para sa sarili.

“Sa mga pinagdaanan ko the past two years, kinailangan kong magdasal at ipasa Dyos ang gumawa sa akin ng Fake Marriage and identity theft.

“Di biro makasal sa isang taong di mo kilala at ginamit lang ang detalye ng birth certificate mo.

“Pinakahirap para sa akin tanggapin na kinailangan kong i-annul ang isang kasal na obviously ay fake. Naisip ko- eh di parang sinabi ko na tutoo nga Ito?!

“Pero nagtanong tanong ako at iyon ang advise nila. Nung una, napaka sakit tanggapin.

“So, 2-3 months after I found out at naubos na ang galit at luha, nasabi ko sa sarili ko na dapat pag file ko ng annulment, tanggap ko na at wala ng bahid ng hatred sa puso ko.

“Kaya pinatawad ko na kung sino man ang gumawa sa akin nito.

“At finally, natapos na ang case at Tapos na lahat ng papeles. Moving on na tayo. Natatapos din talaga ano mang kalbaryo sa buhay.

“God, You only give what we can bear. Salamat, Panginoon dahil ginabayan mo ako,” ang mahabang post ni Zsa Zsa.

Yen sanay nang maging ‘Jacky’

Ayon kay Yen Santos, dati ay pangarap lang niya na makagawa ng proyekto na tatatak sa mga tao at tatawagin siya sa pangalan ng kanyang karakter. At natupad ito sa Halik teleserye nila nina Jericho Rosales, Sam Milby at Yam Concepcion.

Sa ngayon daw kasi ay ang pangalan ng kanyang karakter sa Halik na Jacky na talaga ang tawag sa kanya ng mga tao kapag lumalabas siya ng bahay. Kaya naman sobrang happy sya.

Not only that dahil sobrang dami rin daw feedbacks na natatanggap niya dahil sa serye. One time raw ay may lumapit sa kanya sa restaurant at sinabihan siyang “Ma’m Jacky, huwag kang tatanga-tanga, niloloko na kayo ng asawa n’yo.”

Ito raw talaga ang teleserye niya na sobrang laki ng impact sa mga tao at sobrang thankful daw talag aniya sa unit ni Ruel S. Bayani sa pagbibigay sa kanya ng seryeng ito.

vuukle comment

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with