^

Pang Movies

Ria nagsalita sa tunay na relasyon nila ni JM

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ria nagsalita sa tunay na relasyon nila ni JM
Ria, JM

Dahil isa nga si Maine Mendoza sa nangunguna sa listahan ng netizens para gumanap na Darna, nahingan namin si Arjo Atayde ng reaksyon tungkol dito sa thanksgiving presscon nila ng mommy niyang si Sylvia Sanchez at kapatid na si Ria Atayde.

Isang maikling “no comment” lang ang sagot ni Arjo.

Lahat ng itanong na personal matters sa aktor ay puro “no comment” ang sagot nya kaya bandang huli ay natawa na lang ang entertainment press sa kanya.

Ayaw din niyang mag-comment sa pagkaka-link ni Ria kay JM de Guzman pero when asked kung gusto niya itong makasama sa isang pelikula, mabilis naman siyang umoo.

“Oo, pinag-uusapan namin ‘yun,” sey niya.

Ka-batchmate raw niya si JM and mataas daw ang respeto niya sa aktor.

Hindi pa raw sila nagkakasama ever, at aniya, “pero we talked recently and we’re actually thinking of being together in a film. Why not?”

Samantala, showing ngayong araw, April 10 ang Stranded na pelikula nina Arjo at Jessy Mendiola hatid ng Regal Entertainment.

Happy rin ang aktor sa magandang feedback sa digital series niyang Bagman na pwedeng mapanood sa iWant.

Sa ganda nga ng feedback ay napag-uusapan na ang season 2 ng Bagman and Arjo can only hope na mag-materialize ito.

“Let’s see po, hopefully we’ll have another one but if ever, I’m very excited. A lot of people are asking for Season 2 also, I’m very blessed, I’m very thankful talaga,” he said.

Kasalukuyan ding napapanood ang aktor sa primetime slot ng ABS-CBN sa The General’s Daughter na pinupuri rin ng mga viewers kaya naman walang pagsidlan ngayon si Arjo sa happiness na nararamdaman niya.

Nagpa-thanksgiving sa entertainment press ang pamilya Atayde bilang pasasalamat sa magagandang blessings na dumadating ngayon sa kanila, partikular na nga sa showbiz career ng mag-iinang Sylvia, Arjo and Ria.

Super-happy and thankful si Sylvia sa pagkakahirang sa kanyang Best Actress sa recently-concluded 5th Sinag Maynila Film Festival’s Gabi ng Parangal para sa pelikula niyang Jesusa. May ginagawa rin siya ngayong teleserye sa ABS-CBN, ang Project Kapalaran with JM and Arci Muñoz na malapit na ring umere.

Si Ria naman ay kinulit-kulit ng reporters tungkol sa tsismis na nagkakamabutihan sila ni JM dahil nga sa pambubuking ni Arci sa presscon ng The Last Fool Show.

Pero paglilinaw ni Ria close friends lang daw talaga sila ni JM at may small group sila sa showbiz at nagha-hang-out-hang-out daw sila.

Hindi rin daw niya alam kung nanliligaw sa kanya ang aktor pero nang matanong kung may chance ba if ever na manligaw, diretso naman niyang sagot, “oo naman, I see no problem.”

Sinabi ni JM that he wants to keep her forever, ganun’din ba siya sa aktor?

“I feel like if you have a connection with somebody naman po, kahit sino pa po ‘yan, if they have such a high value in your life already, you want to keep them forever,” sey niya.

Gusto rin ba niyang i-keep si JM sa puso niya?

“Puso agad? Hindi ba puwedeng buhay muna?” natatawang sabi ni Ria.

Basta raw sa ngayon ay single raw siya at chill-chill lang sila ni JM.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Ria sa teleseryeng Halik na malapit nang magtapos kaya abangan na lang daw ang finale nito. Kasama niya rito sina Jericho Rosales, Sam Milby, Yam Concepcion and Yen Santos.

vuukle comment

RIA ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with