^

Pang Movies

Dabarkads, swerte!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Sadyang napakasuwerte ng bumubuo ng Dabarkads ng longest-running noontime show na Eat Bulaga dahil taun-taon ay nagbibiyahe sila sa ibang bansa as their ‘family bonding’ sponsored ng TAPE, Inc. producer and big boss na si Tony Tuviera.

Kung kagagaling lamang sa Holy Land ng tropang Eat Bulaga, ang ilang hosts ng programa ay kasalukuyang nasa Japan para doon kunan ang Lenten offering ng show, ang iba naman sa kanila ay sa Hong Kong kukunan.

Masayang-masayang ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto dahil nakapag-bonding sila sa Japan kasama ang kanilang baby na si Tali na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaranas ng Sakura (Cherry blossoms) season sa Japan.

Ang episode naman na sasalihan ni Joey de Leon at ibang Dabarkads ay kukunan sa Hong Kong.

Samantala, naka-dinner naman ng Tokyo-based kong daughter na si Aila Marie ang anak ng OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad na si Coline Ilacad, ang mister nitong si Wowee at anak nilang si Caitlin last Thursday evening in Tokyo. Nasa Japan din si Coline and her family para i-enjoy and Spring at Sakura season.

Si Aila ay ina­anak (sa binyag) ng OctoArts big boss na si Boss Orly kaya kinakapatid niya si Coline at magka-close ang dalawa gayundin sa ibang kapatid ni Coline na sina Jan, Paul at Catherine na siyang may-ari ng Posh Nails.

Kahit hindi taga-showbiz si Aila, she finds time to meet-up her visiting friends from showbiz at kasama na rito ang pamilya ng kanyang Ninong Julius Babao at Ninang Tintin Bersola-Babao maging ang pamilya ng kanyang Ninong Robbie Tan (ng Seiko Films) na very close rin sa kanya. Nagkita-kita rin sila sa Tokyo ng kanyang Ate Salve (Asis) at Kuya Jun (Lalin) not too long ago.

Z Pop nakiki-level sa K-Pop

Kung sikat na sikat sa South Korea maging sa ibang Asian Countries (including the Philippines) at maging sa Amerika ang maraming K-Pop stars, K-Dramas at K-Movies, hindi malayong mapantayan ito (kung hindi man malagpasan) ng Z-Pop Dream Project na brainchild ng Korean entertainment visionary na si Jun Kang, ang tumatayong Chief Executive Officer (CEO) ng Zenith Media Contents ng South Korea na isa rin sa contributor ng tagumpay ng K-Pop genre sa Korea.

 

vuukle comment

DABARKADS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with