^

Pang Movies

Mark aminadong nawasak nang mawala si Winwyn

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mark aminadong nawasak nang mawala si Winwyn

Biniro si Mark Herras ng mga reporter kung pinapaligaya na lang niya ang sarili niya ngayong wala na siyang girlfriend dahil as everybody knows, break na nga sila ni Winwyn Marquez since January of this year.“Yes!” ang ganting-biro naman ni Mark.

Pero sa seryosong usapan, aminado ang aktor na talagang naguho ang mundo niya nang mag-break sila ni Winwyn dahil talaga naman daw nakadepende siya sa girlfriend lalo na nang namatay ang kanyang uncle na itinuturing na rin niyang pangalawang ama.

“I think, this is one of my relationships na talagang nagunaw na rin ang mundo ko. Aaminin ko, sa first month, talagang hindi ko. . .Kasi siyempre, after my tito died, wala naman akong ibang pwedeng kapitan kundi si Wyn.

“And siyempre, nun’g nawala na rin si Wyn, malaking kawalan sa buhay ko ang nangyari,” pahayag ni Mark.

Marami naman talaga ang nagulat sa break-up nila dahil ang buong akala nga ng lahat ay malapit na silang magpakasal.

Pero sabi nga ni Mark, talaga raw hindi natin masasabi ang buhay na kahit minsan, sure na sure ka na, dumarating pa rin ang mga bagay na hindi inaasahan.

Sa ngayon ay may communication pa rin naman daw sila ni Wyn pero siyempre, hindi na katulad ng dati. Mga once in a while na text-text na lang daw.

When asked kung may chance of reconciliation, ani Mark ay aayusin niya muna ang sarili niya at gusto niyang this time ay makatayo siya nang walang inaasahang iba.

Sa ngayon ay masaya si Mark na may bago siyang serye sa GMA-7, ang Bihag, dahil at least ay makakapag-focus siya sa trabaho. Maganda ang role niya sa serye kaya naman talaga raw magko-concentrate siya rito.

BiGuel nagpakita ng talent

Hindi nasayang ang excitement na naramdaman ng loyal viewers at supporters nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix dahil pinaramdam nila ang mainit na pagtanggap sa kanilang unang paglabas sa epic-drama series. Inabangan at hindi pinalampas ng manonood ang loveteam ng BiGuel na bida sa primetime series na Sahaya.

Kapansin-pansin din para sa kanila ang hindi kumupas na talento ng magka-loveteam at nasabik din silang mapanood muli ang dalawa sa primetime.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with