^

Pang Movies

Korina excited iuwi ang kambal!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May nagsabi sa akin na malapit nang bumalik ng Pilipinas si Korina Sanchez, kasama ang kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar.

Kahit may regular exposure ang mga bagets sa Instagram account ni Mama Koring, curious at excited ang fans na makita nang personal ang kambal na anak nila ni Mar Roxas.

Ang balita ko, susunduin ni Mar sa USA ang kanyang mag-iina pero tinatapos muna niya ang mga commitment sa Pilipinas.

Napasabay kasi sa kampanya ng mga senatoriable ang pagsisilang kina Pepe at Pilar. Kumakandidato uli na senador si Mar kaya bumalik muna siya sa Pilipinas para mangampanya at naiwan naman sa Amerika si Mama Koring at ang kanilang mga anak.

Bongga si Mama Koring dahil nagpaturo pa siya ng pag-aalaga sa mga sanggol. Matagal nang wala sa Pilipinas si Mama Koring dahil nagpunta siya sa Amerika noong second week ng February para saksihan ang pagsisilang kina Pepe at Pilar.

Dingdong gumanap na tikbalang

Parang lucky charm si Dingdong Dantes ng direktor na si Irene Villamor.

Nagkatrabaho ang dalawa sa Sid & Aya (Not A Love Story) noong nakaraang taon. Si Dingdong ang bidang lalaki at si Irene ang direktor ng certified hit movie ng Viva Films na pinagbidahan ni Anne Curtis.

Si Irene ang writer at direktor ng ­U­lan, ang pelikula na starring si Nadine Lustre.

Tulad ng Sid & Aya, blockbuster movie rin ang Ulan pero ang hindi alam ng mga tao, may special participation si Dingdong sa pelikula pero boses lang niya ang narinig, hindi siya nakita.

Kung avid fan ka ni Dingdong, mahuhulaan mo na ang boses niya ang ginamit ng tikbalang na napanood sa Ulan.

Nadine masuwerte… 

May suwerte naman na dala kay Nadine ang Ulan dahil habang palabas ito sa mga sinehan, saka lumabas ang balita na siya ang best performer ng Young Critics Circle para sa last movie nila ni James Reid, ang Never Not Love You.

Na-curious ang mga tao sa acting award na na­panalunan ni Nadine kaya pinanood nila ang pelikula.

Hindi lamang ang parangal sa kanya ng Young Critics Circle ang good news na natanggap ni Nadine dahil nominated siya sa best actress category ng FAMAS para pa rin sa performance niya sa Never Not Love You.

vuukle comment

KORINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with