^

Pang Movies

Zia mahusay makiharap sa tao

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Zia mahusay makiharap sa tao
Zia Dantes

Dapat lang talagang ma-proud nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa anak nilang si Zia Dantes. At a very young age ay kinakikitaan na ito ng husay sa pakikiharap sa tao. Madali rin itong bigyan ng instructions kaya natutuwa ang mga nakakaharap nito at nakakasama sa work.

Ang maganda sa bata, hindi ito aware na nagtatrabaho siya, lalo’t sa TVC na ginawa nito ay may kasama siyang aso at bola, at nandun din si madir dear. Pinakabatang awardee siya having received an award for exceptional conversation and speaking skills. Simula pa lamang ito ng marami pang pagkilala sa talento ng isang tatlong batang babae.

Jennifer expert sa pagda-diet

May magandang buhay pa sa mara­ming myembro ng Viva Hot Babes na inakala ng marami na matapos magpa-sexy ay mawawalan na sa eksena. Hindi si Andrea del Rosario na naging matagumpay na vice mayor sa kanyang lugar sa Calatagan, Batangas.

Aktibo pa rin naman ito sa pag-aartista gaya nina Katya Santos, Maui Taylor at Jen Rosendahl pero, si Jennifer Lee, bukod sa ipinagpapatuloy pa rin ang kanyang pag-aartista ay isa nang lisensyadong chef na dalubhasa sa pag-aalaga sa pagkain ng mga kliyente niya na may problema sa kanilang timbang.

Mayro’n na rin siyang restaurant, ang The Healthy Cheffy. Nagagamit niya ang kanyang culinary expertise sa isang cooking show sa TV kasama ang anak nina Aga Muhlach at Janice de Belen na si Luigi Muhlach.

vuukle comment

ZIA DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with