^

Pang Movies

Ashley pinag-interesan ng American singer!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ashley pinag-interesan ng American singer!

Natuwa at nainggit ang maraming netizens sa pag-post ni Kapuso actress na si Ashley Ortega na nakayakap sa American pop singer na si Austin Mahone.

 

Dumating noong nakaraang linggo sa Pilipinas si Austin para sa kanyang Asian tour at nag-guest ito sa Sunday Pinasaya.

Sumikat ang 22-year old American singer from San Antonio, Texas dahil sa kanyang YouTube videos noong 15 years old pa lang siya. Isa sa pumatok na videos niya ay ang cover version niya ng song na Mistletoe ni Justin Bieber. 

Noong makontrata si Austin ng Chase/Universal Republic Records, naging hit sa Billboard charts ang mga songs niya na Brand New, What About Love, Wait Around, Say Somethin’ at MMM... Yeah.

Sa kuwento ni Ashley, nakasabay niyang nag-guest sa Sunday Pinasaya si Austin dahil may promo sila ng teleserye na Sahaya. Magkatabi lang daw ang dressing rooms nila at sumubok daw si Ashley na ma-meet niya si Austin.
Mas kinilig si Ashley noong mag-direct message sa kanya si Austin noong umalis na ito ng Pilipinas.

 “Austin said na he had a great time in the Philippines and he was glad to meet nice people. And he wants us to keep in touch. Kaya sobrang kinilig ako,” tawa pa ni Ashley. 

Sa Sahaya pala ay gaganap na kontrabida si Ashley ni Bianca Umali. Nag-iisip na raw si Ashley ng mga bagong paraan kung paano niya tatarayan at aalipustahin ang character ni Bianca.

Ara minulto sa shooting!

Malaking hamon para kay Ara Mina ang gumanap bilang si Gina Halili, ang misis ng pinaslang na mayor ng Tanauan City na si Mayor Antonio Halili sa indie film na The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na tumanggap ng role si Ara na base sa tunay na tao. Noong 2003 ginampanan ni Ara ang buhay ng TV host at wellness advocate na si Cory Quirino sa pelikulang The Cory Quirino Kidnap: NBI Files na dinirek ni Carlo Caparas.

Nagkuwento nga si Ara noong nagsu-shooting sila ni John Estrada (who plays Mayor Tony) sa bahay mismo ng mga Halili, ramdam nila na may kakaibang presence sa paligid nila.

“Maraming hindi kami ma-explain na nangyayari habang nagsu-shooting kami sa bahay nila mayor. Namamatay-matay ang ilaw habang kinukunan ang eksena namin. Pati sa banyo, bigla na lang namatay ang ilaw. Tapos biglang may malalaglag na lang na kung anong gamit. Minsan naman hahangin na lang ng malamig. 

“So ang daming gano’ng pangyayari kaya kami ni John, natatakot. Si John pala, takot sa multo kaya ramdam mo ang kaba niya,” kuwento ni Ara Mina.

vuukle comment

ASHLEY ORTEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with