^

Pang Movies

Charo kayang dalhin lahat ng role

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Charo kayang dalhin lahat ng role

Kahapon ng madaling araw, nagi­sing na lang kami na ang nabungaran namin sa TV ay isang lumang pelikula kung saan magkasama sina Charo Santos at Ricky Belmonte. Okay naman ang mga eksena, pero nakatulugan ulit namin ang pelikula na ni hindi nga namin nalaman ang title.

 

Bilang isang aktres, maraming ginawang pelikula si Charo. Pero sa lahat ng mga pelikulang ginawa niya, may mga masasabi kang performances na outstanding talaga. Una na nga riyan iyong una niyang pelikula, iyong Itim kung saan siya nanalo agad bilang Asia’s best actress. Iyon din ang unang pelikula ni Mike de Leon bilang isang director.

 

Napakaganda rin ng kanyang role bilang katambal ni Christopher de Leon doon sa Alamat ni Julian Makabayan ni Celso Ad Castillo. Napaka-romantic noong eksena nila roon sa isang bangka, na ang background music ay tugtog ng gitara. Napakahusay niya sa musical-comedy na Kakabakaba Ka Ba.

Isa pang gusto naming role ni Charo ay iyong pelikula nila ni Fernando Poe Jr., ang apat na oras na klasikong pelikulang Agila na idinirek ng national artist na si Eddie Romero. Iyon ang napakahabang pelikulang ilang beses yata naming pinanood.

Kaya kung ang pagbabatayan ay bilang isang aktres, marami kang magagamit na basehan ng kakayahan ni Charo Santos. Iyang mga pelikulang iyan ang masasabing basehan para husgahan ang kanyang huling ginawa iyong Eerie.

May isang film editor na nagsabi sa amin, huwag daw naming palampasin iyang Eerie, dahil maganda raw ang pagkakagawa ng pelikula, at makukumbinsi kami sa acting ni Charo. Pero iyong sinasabi niyang maikukumpara namin ang acting ni Charo sa mga pelikulang ginawa niya lately, hindi kami payag, Mas gusto naming ikumpara ang kanyang acting sa mga ngayon ay klasikong pelikulang nagawa na niya, noong panahon pang ang mga pelikulang Pilipino ay pelikula talaga.

James lumamya ang kasikatan?!

Kahit na sinasabi pa ng ibang mga kritiko na parang bumaba ang po­pularidad ni James Reid, naniniwala kaming makakabawi naman iyan pagkatapos ng kanilang The Cr3w concert sa April 5. Sugal iyan para kay James, una ang kanyang musika ay hindi mo naman masasabing mainstream music. Pangalawa, sinasabi ngang siya ang magdadala kina Billy Crawford at Sam Concepcion na bagama’t sikat din naman, pero ang fan base ay hindi kasing tindi ng sa kanya.

Hindi naman puwedeng magpa-cute na lang si James habang panahon. Natural lang naman na nagma-mature ang tao, at ganoon na rin pati ang kanilang hitsura. Iyon ang nangyari kay James, pero sa panahong ito siguro nga ay tama siya na ang iharap naman sa mga tao ay ang kanyang talents.

Ewan pero palagay namin makakabawi naman siya.

MTRCB nagiging maluwag na sa SPG?!

Nag-apologize ang isang reality show sa publiko na naiskandalo sa ipinakita nilang eksena na kung saan “naglalaplapan” ang isang pareha ng kanilang participants. Mabuti naman at nag-apologize sila sa pagkakamaling iyon. Pero kung kami ang tatanungin, isang bagay ang sasabihin namin. Mukhang nagiging maluwag ang MTRCB sa regulasyon sa telebisyon. Iyang mga pangyayaring ganyan ay nagpapatunay lang na may mga shows na hindi puwedeng daanin sa self regulation. Hindi puwedeng pabayaan na sila mismo nagre-rate ng show nila, tapos sasabihin “SPG naman po eh”.

Minsan nakakalimot sila “alang-alang sa ra­tings”.

vuukle comment

CHARO SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with