^

Pang Movies

Cindy Kurleto hindi agad nakilala, tumanda ang hitsura!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Cindy Kurleto hindi agad nakilala, tumanda ang hitsura!

Hindi agad namukhaan ng fans ang former actress na si Cindy Kurleto na nagbalik-Pilipinas dahil sa bagong product endorsement niya.

 

12 years nang hindi active sa showbiz si Cindy dahil nag-asawa siya at nagkaroon ng dalawang anak.

May mga nagsabi na hindi nila nakilala si Cindy dahil nag-mature ang hitsura nito na normal lang na mangyari dahil 40-years old na siya.

Excited si Cindy sa muling pagbisita niya sa Pilipinas at ngayong tanghali, aapir siya sa Eat Bulaga bilang contestant ng Boom.

Naging co-host noon si Cindy ng Eat Bulaga at napanood din siya sa original Encantadia. Natatandaan din si Cindy bilang ex-girlfriend ni Jericho Rosales na may asawa na rin ngayon.

Sa mga gustong masilayan uli ang beauty ni Cindy, watch kayo ng Eat Bulaga ngayong tanghali dahil mga kapwa former mainstay ng show ang kasama niya na maglalaro sa Boom.

Frieda Fonda sikat nang dentista sa California

At dahil napag-uusapan si Cindy, banggitin na rin natin si Frieda Fonda na co-star noon ni Papa Joey de Leon sa 1984 gag show na T.O.D.A.S.

Gaya ni Cindy, nag-migrate na rin si Frieda sa ibang bansa at successful dentist na siya.

Bongga si Frieda dahil si Papa Joey ang nagkuwento na sikat na dentist siya sa California. Ang singer na si Chaka Khan lang naman ang isa sa mga popular patient ni Frieda. Si Chaka ang kumanta ng hit song na Through The Fire na sumikat noong 1984.

I am very sure, ni sa panaginip, hindi pumasok sa isip ni Frieda na dara­ting ang araw na magiging pasyente niya si Chaka.

Yun nga lang, hiwalay na si Frieda sa kanyang American husband at nanggaling pa rin ang information mula kay Papa Joey na ang dami-daming alam na balita tungkol sa ibang mga artista.

Alex ‘di na pinakawalan ang offer ni Roselle

Thankful at grateful ang comedian na si Alex Calleja dahil ipinagkatiwala sa kanya ng mga producer ng Regal Entertainment Inc., ang direksyon ng Papa Pogi, ang launching movie ni Teddy Corpuz.

Maligayang-maligaya si Alex dahil sa big break na ibinigay sa kanya ni Roselle Monteverde, ang produ ng Regal Entertainment Inc.

Nakita ni Roselle ang potensyal ni Alex na maging mahusay na direktor dahil magaling siya na comedian at writer.

Hindi na pinakawalan ni Alex ang offer ni Roselle dahil marami siyang pangarap sa buhay. Buhat nang magkasunud-sunod ang kanyang mga project, napilitan si Alex na mag-resign bilang writer ng It’s Showtime para mag-concentrate sa new career niya bilang movie director.

Aktor na may matinding pinagdaraanan, humpak na ang hitsura!

Shocked ang mga reporter nang makaharap nila ang isang aktor dahil ngarag na ngarag ang hitsura nito.

Ang feeling ng mga reporter, masyadong affected ang aktor ng mga problema kaya nawalan siya ng panahon ang sarili.

Hindi lamang ang mga reporter ang nakapansin sa nalosyang na physical appearance ng aktor dahil maging ang mga close friend nito, napuna ang kanyang harassed na harassed na hitsura.

Kailangan yata ng aktor na magbakasyon uli para manumbalik ang freshness niya o kaya, humingi siya ng pointers sa kanyang kamag-anak na artista rin na maalaga sa katawan kaya bagets-looking, kahit may edad na.

vuukle comment

CINDY KURLETO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with