^

Pang Movies

Aicelle Santos babalik ng London pagkakasal!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Aicelle Santos babalik ng London pagkakasal!
Aicelle Santos at Mark Zambrano

Nakabalik na sa Pilipinas ang theater actress/singer na si Aicelle Santos at sinalubong siya ng fiancé niyang si Mark Zambrano.

Siyempre pa ang tanong sa kanya, kailan daw ang kasalan? Aasikasuhin na raw nila tulad nang pangako ni Aicelle kay Mark. Pero si Aicelle, may mga naka-schedule na rin palang gagawin. Mayroon siyang Tales of the Manuvu dance theater. Naghihintay na rin daw sa kanyang pagbabalik ang Eat Bulaga at ang Sunday musikalye na Studio 7.

Ang tanong ay kung after the wedding, babalik muli sa West End si Aicelle dahil may isang offer sa kanyang isang malaking musical play sa London.

Mukhang hindi raw naman pipigilan ni Mark kung sakaling bumalik  doon si Aicelle.

Sophie kuntento sa pagiging second choice

No problem kay Sophie Albert kung muli ay second choice siya sa isang project na gagawin niya.  Sa GMA Network, una niyang pinalitan sa primetime telebabad si Winwyn Marquez nang mag-back out ito sa Pamilya Roces, dahil may mga daring scenes daw ang role na hindi niya kayang gawin.

Nang makausap nga namin noon si Sophie bakit pumayag siyang maging second choice lamang, no problem daw sa kanya, basta maganda ang role. True enough, as Amber, siya ang pinag-usapan sa characters sa Pamilya Roces bilang mistress.

This time, pasok naman si Sophie sa new Afternoon Prime drama series na Stolen na magtatampok kina Max Collins at Jason Abalos at siya ang kontrabida sa buhay nila.

Pinalitan naman ni Sophie sa serye si Kim Domingo dahil ayaw nitong gumanap ng sensual scenes. Natutuwa naman ang fans ni Sophie dahil nami-miss na raw niya ang magandang mukha nito sa TV.

May TV plug na ang Stolen na makakasama rin sina Mark Herras, Neil Ryan Sese at marami pang iba.

vuukle comment

AICELLE SANTOS

MARK ZAMBRANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with